^

Pang Movies

Jasmine nagsalita sa hiwalayan daw nila ni Sam

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nag-post si Jasmine Curtis Smith sa kanyang Instagram (IG) account ng picture niya with a bouquet of roses at may message niya na hindi na niya kailangan ang boyfriend dahil may very sweet friend naman siya. Nagkaroon tuloy ng issue na siguro raw ay break na sila ng boyfriend na si Sam Concepcion at bina-bash na naman siya ng mga KathNiel fans na akala ay si Daniel Padilla ang nagpadala ng roses sa kanya.

Nag-deny si Jasmine dahil sila pa rin dalawa ni Sam, in fact magkasama silang nag-celebrate ng Valentine’s Day. Yes, hindi raw maiiwasan kung minsan na magkaroon ng conflict ang isang magkarelasyon lalo na kung pareho silang busy at kung minsan nawawalan ng time. Natuwa raw lamang siya sa flowers na bigay ng best friend niya kaya nai-post niya.

Sa ngayon, busy sila pareho ni Sam sa work nila. Si Jasmine katatapos lamang ng Wattpad Presents episode na A House Full of Hunks. Masaya siya na tanggap ng mga manonood ang celebrity dance competition niyang Move It, Clash of the Street Dancers na she hosts, with DJ Tom Taus. Napapanood ito every Sunday sa TV5.

Joseph hindi pa limot si Sandara, Koreana uli ang ka-’date’

Mukhang hindi pa rin nalilimutan ni Joseph Bitangcol ang ex-girlfriend niyang si Sandara Park, kaya ngayon isa na namang Koreana, si Dasuri Choi, ang makakasama niyang mag-guest sa lifestyle show na Mars hosted by Camille Prats and Suzi Entrata mamaya, 7:00 p.m. sa GMA News TV.    

Member na ng Dabarkads ng Eat Bulaga si Dasuri, makuha kaya ng K-Pop star ang loob ni Joseph kapag natikman nito ang lulutuin niyang Korean dish na Theokboki? Sa sharing group segment, masasabi ba ni Joseph na may instinct siya kung ang isang babae ay in distress at nangangailangan ng tulong? Samahan din sina Camille at Suzi na bisitahin ang Art in Island, a 3D Museum in Cubao, Quezon City, na dinarayo ngayon.

Dati namang mabait at tahimik lang, Xian pinanghihinayangan

Mukhang hindi nga patatawarin ng mga Albayanons ang pagkakamali ni Xian Lim dahil nakatanggap kami ng balita mula sa isang kaibigan from Albay na malamang ngayong Lunes, magpa-file na ang Sangguniang Panlalawigan ng Albay ng petition para gawing persona non grata ang actor.

May dagdag pa siyang kuwento na nang pabalik na raw si Xian sa Manila, nang malamang makakasabay niya sa Philippine Airlines flight si Atty. Carol Cruz-Sabio, nagpa-book ito ng ibang flight sa Cebu Pacific, kaya ang naghatid na lamang sa kanya sa airport ay ang service ng hotel na tinuluyan nila. Nagkataon daw namang maluwag ang first flight ng airlines kaya kahit mabilisan ang booking nila, na-accommodate naman sila ng kanyang handler.

Nanghihinayang nga ang aming friend, kuwento pa niya, nang una raw niyang nakilala si Xian, mabait ito at walang reklamo. Bago pa raw lamang artista noon si Xian, nang imbitahin nila noong 2011. Nagkataon daw na zero visibility noon kaya hindi sila nakasakay ng eroplano at napilitan silang mag-land trip, binigyan daw naman sila ng magandang sasakyan ni Gov. Joey Salceda at sa bilis daw ng biyahe nila, nakuha lamang nila ng seven hours mula Manila to Albay. Si Xian, tahimik daw lamang, dala-dala nito ang kanyang gitara. Pero sayang daw at nagbago na ang ugali ni Xian dahil kilala at popular na siya ngayon.

 

vuukle comment

A HOUSE FULL OF HUNKS

ALBAY

CAMILLE PRATS AND SUZI ENTRATA

CAROL CRUZ-SABIO

CEBU PACIFIC

CLASH OF THE STREET DANCERS

DANIEL PADILLA

DASURI CHOI

EAT BULAGA

XIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with