^

Pang Movies

Sunshine biglang naiba ang sinabi sa demanda kay Cesar

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mukhang lumalala talaga ang problema sa pagitan nina Sunshine Cruz at Cesar Montano, at iyan ay dahil sa lumabas na detalye ng isang bagong kaso na isinampa ng aktres laban sa mister. Sa hindi malamang dahilan, lumabas ang mga detalye tungkol sa nasabing demanda na hindi rin naman umano kay Sunshine nanggaling.

Doon sa bagong complaint, sinasabing nagsumbong sa korte si Sunshine na may ginawa raw kahalayan si Cesar sa harapan ng anak nila.

Mabilis namang nagpalabas ng statement ang kampo ni Cesar na sinasabing ang bintang na iyon ay hindi totoo, ginagamit diumano ni Sunshine pati ang kanilang mga anak, at ang suspetsa nila ay bahagi iyon ng isang ploy para makuha ni Sunshine ang isang property na pinagtatalunan nila kung kanino mapupunta. Sinabi nila na may isang property na gustong makuha ni Sunshine sa hatian nila ng ari-arian na hindi naman maibigay sa kanya ni Cesar.

Mabilis din namang nagbigay ng statement si Sunshine na hindi sa kanya nagsimula ang media leakage, bagama’t hindi naman nila ikinaila na nag-file nga siya ng ganoong reklamo sa korte sa Quezon City. Sinasabi niyang ginawa lamang niya iyon para bigyang proteksiyon ang kanyang mga anak.

Actually nagulat din naman kami sa kasong iyon, dahil ang alam lang naming reklamo ni Sunshine lately, na hindi rin naman talagang masasabing reklamo, at siya ang nagpapasan ng lahat ng mga kailangan ng kanilang mga anak, maliban sa bayad sa bahay. Pero sinabi naman niya na ok lang iyon dahil sa ngayon naman ay maganda ang kanyang hanapbuhay.

Sa nangyayaring ganyan, palagay namin mas lalo lamang lalala ang hidwaan nilang dalawa. Naniniwala kaming mas maganda kung makakapag-usap sila nang maayos, dahil ano man ang sabihin maaapektuhan talaga ang mga anak nila.

Dahil sa mga sinabi ni Anjanette, David tama lang pala na nabugbog ni Cedric

Nagkaroon ng isa pang bagong twist sa opinion ng mga tao dahil sa isang interview ni Anjanette Abayari tungkol sa ginawa ng dati niyang boyfriend na si David Bunevacz. Sinabi ng nagbabalik na female star na totoong ibinenta ni Bunevacz nang wala siyang pahintulot ang mga kagamitan niya, kabilang na ang isang relong Rolex at ang nabawi niyang kotse. Gusto rin daw noong ibenta ang kanyang condo.

May akusasyon pa si Abayari na tinangay ni Bunevacz ang pera na ibinigay ng kanyang mga kaibigan para matulungan siya sa kaso niya noon sa Guam, at maging ang abugado raw sa Guam ay hindi binayaran ni Bunevacz.

Dahil sa pahayag na iyan ni Abayari, lumalabas naman ngayong mukhang may katuwiran din si Cedric Lee nang bugbugin si Bunevacz dahil sa akusasyong niloko rin siya noon sa isang negosyo. Ganoon din ang paghahabol ng isa pang dating kasosyo nina Buenvacz at ng kanyang naging asawa ngayong si Jessica Rodriguez, na tumakas na sa kanilang mga kalaban at nagtungo sa US.

Dati, ang lumalabas lang na kuwento ay ang pambubugbog ni Cedric Lee, dahil sa mga statement ni Bunevacz lalo na’t matapos ang pambubugbog din kay Vhong Navarro, pero lumalabas ngayon dahil sa mga statement ni Anjanette na kabugbog-bugbog naman pala iyang si Bunevacz.            

vuukle comment

ABAYARI

ANJANETTE

BUNEVACZ

CEDRIC LEE

DAHIL

NAMAN

SUNSHINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with