^

Pang Movies

Never daw niyang gagawing magparaos sa harap ng mga anak: Cesar palaban sa bagong demanda ni Sunshine

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May inilabas na official statement si Cesar Montano bilang sagot sa kanyang future ex-wife na si Sunshine Cruz.

May kinalaman sa mga property na hinihingi ni Sunshine ang pagkakadawit ng kanilang mga anak na babae sa isang cheap na isyu na diumano, “nagpaparaos” si Cesar sa harap ng mga bagets.

Mahigpit ang pakiusap ni Cesar kay Sunshine at sa abogado nito na huwag nang idamay sa kanilang problema ang mga bata. Higit sa lahat, hindi siya “monster”!

Asahan natin na sasagutin ni Sunshine ang statement ni Cesar dahil mabigat ang paratang nito. Wish ko lang, huwag nang idamay ang mga bagets dahil ayon nga kay Cesar, dapat na pinoprotektahan ang kanilang mga menor de edad na anak.

Heto ang official statement ni Cesar : I vehemently deny all accusations being hurled against me by Sunshine Cruz, most esp. this latest, most hurtful of all involving our daughters directly. I may not have been a perfect husband, but i am most definitely not a monster father.  I am grossly disheartened with Sunshine in u­sing our innocent daughters to suit her own ulterior motive. While we are threshing out our property relations in connection with the pending cases we have filed against each other, she is dragging our children to gain leverage on me. Admittedly we have our own differences like any other ordinary couple, but our children should not be affected and worse, be used by anyone of us just to force the issue upon each other. I must hasten to say that it greatly exaspe­rates me to hear that Sunshine filed a complaint against me and immediately thereafter went to the media to announce to the public that a case had been filed against me. Her lawyer even had the temerity to discuss the merits of the complaint.
Sunshine and her lawyer should realize that the complaint involves our own daughters. As I understand it, the law on VAWC shields the minors, our daughters at that, from public embarrassment, humiliation and ridicule. Don’t they realize that they have exposed our daughters to these kind of situation.
I respectfully appeal to Sunshine, if you want the property you have been clamo­ring, then so be it. I have signed the compromise agreement giving you what you want. But do not and never ever again drag our innocent daughters to settle our differences just to suit your own personal interest.

Annie Brazil naluha sa pagsisinungaling ng anak na nasa kulungan

Napaluha ang veteran singer na si Annie Brazil nang magbigay ito ng mensahe para sa kanyang anak na si Ronnel Wolfe na two years nang nakakulong sa Pasig City Jail dahil sa paggamit ng illegal drugs.

Ang claim ni Ronnel, hindi siya dinadalaw sa kulungan ng kanyang ina at mga kapatid. Lumabas na nagsisinungaling si Ronnel dahil sinabi ni Mama Annie na dinalaw niya ang anak sa Pasig City Jail.

Hindi maintindihan ni Mama Annie ang inaasal ni Ronnel na may asawa pala at mga anak. Hindi napigilan ni Mama Annie ang mapaiyak nang pakiusapan niya si Ronnel na magbago na para sa mga anak.

Bitter na bitter si Ronnel sa nangyari sa kanyang buhay. Tama naman ang sinabi ng kanyang ina na kung anuman ang na­ging kapalaran ni Ronnel, ito rin ang may kagustuhan.

Pacman natawa sa panghaharbat ko ng ticket sa dream fight

Hindi na ako nag-inarte sa phonepatch interview namin kahapon kay Papa Manny Pacquiao sa Startalk.

Sinabi ko talaga sa kanya na bigyan niya ako ng tickets para sa laban nila ni Miss Floyd Maywea­ther, Jr. sa May 2 dahil manonood ako, kesehodang sa Las Vegas ang venue.

Tumawa lang si Papa Manny sa panghaharbat ko. Ayaw niya siguro na mag-commit sa national television dahil baka marami ang mangharbat sa kanya ng tickets.

Ang sey ni Papa Manny, five thousand ang pres­yo ng tickets. Hindi naman niya nilinaw kung five thousand pesos o dollars. Malamang na dollars ang usapan dahil masyadong maliit ang P5,000 para sa Pac­quiao-Mayweather fight.

Nag-promise ako noon sa sarili ko na panonoorin ko ang Pacquiao-Mayweather fight kapag natuloy ito at ngayong matutupad na ang kanilang dream fight, lilipad talaga ako sa Las Vegas. ‘Yon na lang ang birthday gift ko sa sarili ko sa May.

Dalawang anak ni Anjanette magkaiba ang ama

Guest namin kahapon sa Startalk si Anjanette Abayari na may plano na bumalik sa showbiz pero hindi pa ngayon dahil nagbabakasyon lamang siya sa Pilipinas kasama ang kanyang dalawang anak na lalaki.

Guwapo ang mga anak ni Anjanette na hindi nagpakasal sa kanyang mga nakarelasyon dahil gusto lang niya na magkaroon ng mga anak.

Sa pagkakaintindi ko, magkaiba ang mga ama ng mga bagets na puwedeng maging artista balang-araw.

Idinenay ni Anjanette ang tsismis na may sex video siya na kumalat noong araw. Hindi ako naniniwala sa denial ni Anjanette dahil natatandaan ko na nahimatay siya nang mapanood niya noon ang video.

Kasama ni Anjanette sa panonood ng video ang kanyang mga kaibigan na source ng balita tungkol sa pagkahimatay niya. ‘Yun lang!

vuukle comment

ANAK

ANJANETTE

ANNIE BRAZIL

DAHIL

LAS VEGAS

MAMA ANNIE

SUNSHINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with