^

Pang Movies

GMA may libreng pasine ngayong weekend

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Siguradong hindi nakakabagot ang weekend ng Kapuso viewers dahil dalawang hitik sa katatawanang mga pelikula ang ihahandog ng GMA bukas Pebrero 21 at sa Linggo Pebrero 22.

Tampok sa Kapuso Movie Night ngayong Sabado ang Happy Ghost 2, kung saan mapapanood ang paghihirap ni Hong Sam-Kwai sa kamay ng kanyang mga sutil na estudyante. Dahil pilyo at maraming gimik na alam, ang tatlong pinaka-pasaway niyang estudyante ang magiging dahilan ng kanyang pagkatanggal sa trabaho. Sa kagustuhang makapagturong muli, kahit masalimuot na alaala ang dala ay gagamitin niya ang kanyang taglay na kapangyarihan para lamang makabalik sa trabaho.

Ngayong Linggo naman sa GMA Blockbusters, tunghayan si Kristie Alley at John Travolta sa kanilang nakakaaliw na pagganap bilang Mollie at James, na siyang magkakapalagayang-loob dahil sa anak ni Mollie na si Mikey. Sa Look Who’s Talking, magkakaroon ang Kapuso viewers ng ideya kung paano tumatakbo ang isip ng mga bata, na may halong komedya na siguradong pasok sa panlasa ng mga manonood.

Tunghayan ang mga pelikulang ito sa Kapuso Mo­vie Night ngayong Sabado (Pebrero 21) pagkatapos ng I-Witness, at GMA Blockbusters ngayong Linggo (Pebrero 22) pagkatapos ng Sunday All Stars sa GMA.

vuukle comment

HAPPY GHOST

HONG SAM-KWAI

JOHN TRAVOLTA

KAPUSO

KAPUSO MO

KAPUSO MOVIE NIGH

KRISTIE ALLEY

LINGGO PEBRERO

PEBRERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with