^

Pang Movies

Ang aktor na nga raw ang nakipaghiwalay Bianca takang-taka sa galit sa kanya ni John

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Masaya si Bianca Manalo dahil ikakasal na ang kanyang ex-boyfriend na si John Prats kay Isabel Oli.

Alam daw ni Bianca na matagal nang gustong mag-asawa ni John at natupad na nga ang wish nito sa mapapakasalan nitong si Isabel.

“I am happy for them. Ito naman ang gusto talaga ni John noon pa.

“Noong kami pa, we used to talk about getting married. Pero wala namang nag-materialize doon dahil after 11 months ay naghiwalay kami.

“Hindi lang kami meant to be together talaga,” diin ni Bianca.

Inamin ng former beauty queen na hindi naging maganda ang hiwalayan nila ni John at hanggang ngayon ay hindi pa sila nag-uusap kahit na tatlong taon na ang nakalipas.

“Sa totoo lang, okey sa akin na makipagkaibigan sa kanya. Pero feeling ko si John ang may ayaw. Matagal na akong naka-move on, eh. Ewan ko lang sa kanya.

“Siya naman ang nakipaghiwalay sa akin, eh. Biglaan iyon. Imbes na ako ang masaktan, parang siya pa ‘yung na-hurt sa nangyari.

“Sa isang interview nga niya, pinapa-describe sa kanya ang mga naging ex-girlfriends niya. Pagdating sa akin, nag-no comment siya.

“Parang ano ba ‘yon? Ano ba ang naging kasalanan ko sa kanya?” sey pa ni Bianca.

Kaya kung sakaling aksidente raw silang magkita ni John, alam niyang cold pa rin ang treatment nito sa kanya dahil hindi nga sila friends.

“Awkward naman kung ako ang unang babati, ‘di ba? Sa akin naman, kung ayaw mo, eh ‘di ayaw ko din. Gano’n na lang iyon,” diin pa niya.

Nasa pangangalaga na pala si Bianca ng Star Magic ng ABS-CBN 2 at ng Mercator Models ni Jonas Gaffud. Wala na siya sa dati niyang manager na si Joji Dingcong.

Honest naman na sinabi ni Bianca na sa last two years ay hindi siya naalagaan nang husto ni Joji kaya matagal siyang walang naging trabaho.

“Natengga ako for almost two years. Ang huling project ko sa TV was Positive sa TV5. After no’n, wala na.

“So I decided na maghanap ako ng ibang manager. Mabuti na lang tinutulungan ako ng Star Magic para sa TV projects at ang Mercator naman para sa mga hosting jobs.”

Ngayon ay busy si Bianca sa dalawang TV shows - Deal or No Deal at ang teleserye na On The Wings of Love.

Julian sa ‘tatay’ Mark niya ibinalita ang ginawa sa Korea

Ang idol niyang si Mark Herras ang unang binalitaan ni Julian Trono tungkol sa kanyang magiging K-Pop training sa South Korea.

Natuwa raw si Mark sa nangyayari kay Julian dahil nakita niya kung gaano kasipag sa pagsayaw noong bata pa lang ito. Kaya deserve raw nito ang mga magagandang nangyayari sa career nito.

“Si Julian, parang anak ko na ‘yan. Tatay ang tawag niya sa akin.

“Ever since na sinabi niyang idol niya ako sa pagsayaw, inalagaan ko na ‘yan. Lahat ng advise na hingin niya sa akin sa pagsayaw ay binibigay ko sa kanya.

“Kaya noong malaman ko na magti-train siya sa K-Pop, sobra akong natuwa sa kanya. Sabi ko, ‘Anak, galingan mo pa and make your Tatay Mark proud of you,’” sey pa ni Mark na nakilala bilang Bad Boy on the Dancefloor.

Sa kanya unang pinarinig ni Julian ang kanyang unang single na ni-record sa South Korea na Wiki Me. Hindi raw naniwala si Mark na si Julian ‘yung kumakanta dahil alam niyang hindi ito kumakanta.

“Kay Tatay Mark ko unang pinarinig ang single ko. Noong una, hindi ko sinabing ako ang kumakanta.

“Nagandahan siya at tinanong niya kung sino ‘yon? Sabi ko ako ‘yon. Sabi niya, ‘Weh! Huwag ka ngang magpatawa! Hindi ka naman kumakanta, eh. Sino nga ‘yan?’

“Noong napatunayan ko na ako ‘yung kumakanta, lalong natuwa si Tatay Mark sa akin kasi hindi lang daw pala ako magaling sumayaw, kumakanta na rin pala ako.

“Ako mismo, aminado ako na hindi ako talaga singer. Hindi naman ako sintunado pero hindi singing ang forte ko.

“Pero kasama iyon sa naging training ko sa K-Pop at talagang pinagtiyagaan nila akong turuan talaga sa pagkanta,” ngiti pa ni Julian.

Sa Sunday All Stars ilu-launch ang single at music video ni Julian na Wiki Me.

Allison Williams kinansela ang kasal para damayan ang ama sinuspinde sa pamemeke raw ng report

Nagsalita na rin ang TV actress na si Allison Williams tungkol sa pagkaka-suspend ng kanyang amang si Brian Williams bilang news anchor ng NBC Nightly News.

Si Allison ay isa sa mga bida ng hit HBO Original Series na Girls at sa live musical na Peter Pan.

Ikakasal na sana this year si Allison sa kanyang fiancé na si Ricky Van Veen. Pero dahil sa nangyari ngang 6-month suspension without pay ng kanyang ama, nagdesisyon siyang i-postpone muna ang kanyang kasal para masamahan niya ang kanyang ama sa pinagdaraanan nito.

This has been a really hard time. We have also been very lucky, counting our blessings. We have our health. We have each other.

“It’s been incredible to experience the outreach from people you love, family, friends, and then people we don’t even know, strangers, just reaching out saying we want him back on TV.

“It’s been tough, though. Obviously, toughest on my dad, who bears the full burden of responsibility for it. One thing the experience has not done is shake my trust and belief in him as a man.”

Naalala nga ni Allison na nangako ang kanyang ama na darating ito sa kanilang father-daughter dance sa school kahit na may news coverage ito sa Iraq.

“As that date was coming, it didn’t seem like he was going to make it like he had promised.

“And then a couple days before the dance I was so upset and I got a surprise call from Iraq from my dad and he asked me if I had a date to the dance.

“So, that’s the kind of man he is, and I can’t wait for him to be back on TV, and I know many of you guys feel that way.”

vuukle comment

AKO

ALLISON WILLIAMS

BIANCA

JULIAN

K-POP

KANYA

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with