^

Pang Movies

Ayaw pag-usapan ang bagong kapatid sa ama Teen actress nadagdagan ng palamunin

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ayaw raw pag-usapan ng isang teen actress ang bago niyang kapatid sa ama. Hindi siya nagsasalita tungkol dito kahit kasama niya ang bata sa bahay.

Siyempre nga naman, bagong pasanin ang kapatid sa teen actress. Tanging siya lang kasi ang kumakayod sa pamilya.

So ‘yung mga kasamahan sa trabaho ng teen actress, gustuhin man nilang alamin ang saloobin niya, eh tiklop na lang sila dahil baka umiyak ang una.

Misis ng aktor ipinaubaya na ang mister sa babaeng naanakan!

Sumasalisi pala ang non-showbiz girl na naanakan ng aktor sa mga okasyon ng huli kapag wala ang tunay na misis ng aktor.

Although bukas naman ang utak ng misis tungkol sa ibang babaeng naanakan ng asawa, ‘yung babae lang na ‘yon ang hindi raw niya masikmura, huh!

Kaya feeling ng kaibigan ng tunay na asawa ng aktor, para hindi na lang lumaki pa ang gulo, siya na rin ang umiiwas sa okasyon ng asawa kung alam niyang darating ang babaeng ‘yon.

Annabelle hindi pinag-aksayahan ng oras ang pang-iisnab ni Heart

Hindi naging bayolente ang reaksyon ni Tita Annabelle Rama nang aming tanungin nu’ng pumasyal sa Wednesday Club kung inimbita ba siya ni Heart Evangelista sa wedding reception nila ni Sen. Francis Escudero last Wednesday sa Blue Leaf Filipinas.

Sa halip na maaanghang na salita, ang naging tugon na lang niya ay, “Hindi natutulog ang Diyos!”

It’s an open secret na si Tita A ang nagdala sa GMA Network kay Heart nu’ng panahong sadsad ang career niya. Kaibigan kasi ni Heart ang anak niyang si Raymond na siyang nakiusap sa ina na tulungan ang aktres.

Hanggang sa pumasok sa eksena ang ina ni Heart at siya ang namahala sa career ng anak. Nagkabati naman sina Tita Annabelle at Heart pero hindi na nagpatuloy ang artist-manager nilang relasyon.

Nandoon man ang sama ng loob ni Tita A sa pagbabalewala sa kanya ni Heart, hindi malaking dahilan ‘yon upang mag-alboroto siya, huh! Mas maraming problemang dapat pagtuunan ng pansin si Tita A lalo na ngayong malapit nang simulan ang third season ng reality show ng pamilya na It Takes Gutz to be a Gutierrez.

John Lloyd gustong maging bad boy?!

Target daw si John Lloyd Cruz ni Direk Erik Matti sa bago niyang project na balak niyang ihabol sa Cannes Film Festival sa France.

Matatandaan na ang movie na On the Job (OTJ) ay umani ng papuri sa Cannes at isang film distributor ang bumili nito upang ipamahagi sa ibang bansa, huh! Nanalo rin sa pelikula si Joel Torre bilang best actor sa isang international film festival.

Kung matutuloy, handa raw si Lloydie na magpa-skin head na ngayon lang niya gagawin sa kanyang entire career. At this point of his career, handa na raw si JLC na baguhin ang kanyang image bilang favorite rom-com leading man.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

BLUE LEAF FILIPINAS

CANNES FILM FESTIVAL

ERIK MATTI

FRANCIS ESCUDERO

HEART

TITA A

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with