^

Pang Movies

Marian hindi pa nahahanapan ng babagayang babae!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Busy day last Wednesday sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera-Dantes dahil after siyang mai-launch as the new ambassador ng Belo Collagen Nutra nang mag-open ang 10th branch nito sa The Block ng SM North EDSA, diretso siya sa look test para sa new soap niya sa GMA-7, kasama ang leading man niyang si Luis Alandy. Nag-post na rin sa kanyang Facebook account si Suzette Doctolero ng concept ng The Rich Man’s Daughter (tentative title) na tungkol sa “family traditions and values, and yes, it is also about Jade, this beautiful woman who is in love with another equally wonderful woman.”

Ayon pa kay Suzette, ibang-iba raw ito sa una niyang isinulat na script ng My Husband’s Lover but one fun project for her na ngayon lamang niya ginawa. Hindi pa raw niya alam who will play the role of the other woman, sina Marian at Luis pa lamang ang nag-look test. May sinabi na rin sa amin kung sino ang dalawa pang actress na makakasama si Marian, pero siyempre puwede pa iyong mapalitan. Kung sa March 16, mapapanood na ang Pari ‘Koy ni Dingdong Dantes, magsisimula pa lamang mag-taping si Marian ng bago niyang soap sa March.

Derrick naging maangas, yumabang na!

May mga lumabas sa isang website na topless photos ni Derrick Monasterio. Pero nothing to worry ang fans ni Derrick, dahil ang photos na iyon ay kuha sa taping ng afternoon prime drama series niyang The Half Sisters. Nag-work out talaga si Derrick para ma-achieve ang ganoong katawan dahil kailangan sa role niya as Baste, na binago ang character niya. From a shy Baste na mapagbigay sa kaibigang si Bradley (Andrei Paras) dahil nakikitira lamang sila ng ama niyang driver sa bahay ni Bradley. Pero mayaman pala ang tunay na ina ni Baste (Nina Ricci Alagao), at ibinigay sa kanya ang luho na hindi maibigay ng ama.

Direk Maryo iniwan ang bakasyon para kay Dingdong

Nagbakasyon pala si Direk Maryo J. delos Reyes after niyang gawin ang top-rating primetime inspirational drama ng GMA-7 na Niño. Pero nang i-offer sa kanya ang isa pang inspirational drama na magtatampok kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na Pari ‘Koy, hindi siya nagdalawang-isip at tinanggap ang offer. Tinapos agad niya ang kanyang bakasyon. Ito raw kasi ang mga tema ng soap na gusto niyang gawin, ang ipakita ang best out of people than show the worst in them.

Naging paborito na raw niya agad si Dingdong nang gawin nila ang Pahiram ng Sandali with Lorna Tolentino and Max Collins. Makakasama pa niya ang mahuhusay na artistang sina Sunshine Dizon, Gabby Eigenmann ang tinawag niyang tres marias niya, sina Luz Valdez, Chanda Romero, at Dexter Doria na lagi niyang kasama simula pa nang maging director siya. Kaya naman masiglang-masiglang nagsimulang magtrabaho sina Direk Maryo dahil pilot telecast na nila simula sa March 16, sa primetime block.

vuukle comment

ANDREI PARAS

BELO COLLAGEN NUTRA

BRADLEY

CHANDA ROMERO

DIREK MARYO

NIYA

NIYANG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with