^

Pang Movies

Daang milyones ang nawala! Ama ng aktres naloko ng kasosyo sa negosyo

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakakalula rin ang halagang na-scam sa father ng isang young actress. Daang milyones ito at may kinalaman sa kasosyo sa mga negosyo ng ama ng young actress.

Kahit hindi close sa ama, still, nanghihinayang din ang young actress. Ang konsolasyon nga lang ng batang aktres, hindi pera nilang inipon na mag-ina ang nalustay sa scam, huh!

Kaya naman kahit hiwalay na sa ama, ang pag-aartista na lang ang ginagawa ng batang aktres at hindi na umaasa sa sustento ng ama. After all, bata pa lang siya ay naranasan na niya ang malayo sa ama kaya naman kahit medyo maayos na ang relasyon sa ama, never siyang humingi ng tulong dito.

Handang karne sa Manila reception nina Sen. Chiz at Heart inisnab?!

Nataon na Ash Wednesday ang Manila reception ng kasal kahapon sa Blue Leaf Filipinas nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista. Nalayuan kami sa venue kaya pass na lang kami.

Curious pa naman kaming malaman ang pagkain, eh araw ng fasting at abstinence kahapon, huh! Eh, isang Catholic wedding ang isinagawa sa kanila sa Balesin Island last Sunday kaya kung may karne man sa pagkain, tiyak na ilan lang ang gagalaw roon lalo na ‘yung hindi Katoliko.

As of this writing, wala pang surprises na kumakalat sa social media. Kumpara sa Balesin, mas malapit itong venue ng reception nila kaya puwedeng dumating ang nang-isnab na magulang niya sa kasal, huh!

Sa totoo lang, sa mga komento namin na narinig sa absence ng mga magulang ni Heart sa kasal, nalulungkot sila dahil ang araw ng kasal ng isang babae ang s­iyang pinakamahalagang okasyon sa kanyang buhay!

“Iba pa rin ang may basbas ng magulang kapag ikinakasal ang isang tao!” rason ng isang nagkomento.

Ginusto nila ‘yon kaya hayaan na lang natin ang parents ni Heart sa kanilang desisyon. Malay natin, pagdating ng apo nila kay Heart, biglang magbago ang mundo, ‘di ba?

Angelica mapagpatol, hindi pa nasiyahan sa P100-m na kita ng Tadhana...

Pinalagan ni Angelica Panganiban ang in-upload sa YouTube na may kinalaman sa movie niyang That Thing Called Tadhana, ayon sa report sa website ng Star Cine­ma. Ito ang kasunod na balita sa movie nila ni JM de Guzman na umabot na raw sa P100-M mark, huh!

So, ang ibig sabihin, kinagat ng tao ang indie movie nila ni JM? Magaganda rin ang reviews ng movie critics sa pelikula. Hindi pa ba sapat ‘yon upang matuwa si Angelica?

Kesa palagan ang lumabas sa YouTube, magpasalamat pa ang aktres dahil ang ibig sabihin lang nito, lasting ang magandang impresyon ng tao sa pelikula at sa performance niya, huh!

Dapat, she should have been magnanimous in her victory! After all, ilang indie mo­vies lang ang kinakagat sa takilya ng publiko pati na acting ng mga artista, huh!

Kalma lang, Angelica! Hindi lahat ng isyu ay dapat patulan, huh!

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

ASH WEDNESDAY

BALESIN ISLAND

BLUE LEAF FILIPINAS

CHIZ ESCUDERO

HEART EVANGELISTA

HUH

LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with