^

Pang Movies

‘Garden’ wedding nina Chiz at Heart may isyu sa simbahan?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May nabubuong controversy sa simba­hang Katoliko sa kasalan nina Heart Evangelista at Senador Chiz Escudero. May mga nagtatanong, ang alam daw nila ang mga garden at beach weddings ay ginagawa lamang ng mga Born Again. Hindi iyan pinahihintulutan ng simbahang Katoliko dahil sa paniniwalang ang mga sakramento ay kailangang ipagdiwang sa mga lugar na itinakda para roon, sa mga simbahan. Matagal na ang ruling na iyan.

Natatandaan namin, kasal pa noon ni Sharon Cuneta, ang gusto sana nila ay isang garden wedding pero hindi iyon pinayagan ni Jaime Cardinal Sin dahil sa regulasyon nga na ang pagdiriwang ng mga sakramento ay sa mga “consecrated places” lamang. Noong pinag-uusapan nila ang kasal sa Balesin Island, naisip namin baka naman isang Born Again minister ang gagawa niyan.

Pero lumabas na ang nanguna sa pagdiriwang ng sakramento ay si Bishop Arturo Bastes ng Diocese of Sorsogon. Ang naging preacher ay si Fr. Jerry Orbos. Ang dalawang pari ay parehong kabilang sa SVD. Lumalabas na kaya raw naikasal ang dalawa sa Balesin ay dahil nagbigay ng “dispensation” ang obispo. Ang Balesin ay nasa Polilio Island, at ang nakasasakop diyan ay ang Diocese ng Infanta. Ang obispo riyan ay si Bishop Bernardino Cortez. Si Bishop Cortez kaya ang nagbigay ng dispensation? Ang kasunod na tanong ay sa anong kadahilanan nagkaroon ng dispensation?

Hindi kami obispo, at hindi namin alam talaga ang mga saklaw ng kanilang kapangyarihan bilang obispo ng kanilang mga diocese, pero ma­ging sila ay may kanya-kanyang teritoryo. Hindi sila maaaring gumawa ng kahit na anong bagay nang hindi nagsasabi sa obispo ng nasabing lugar, lalo na nga at sila ay dayo lamang sa lugar na iyon.

Gusto lang naming mali­nawan iyan. Si Bishop Cortez nga ba ng Infanta na sumasakop sa Balesin ang nagbigay ng “dispensation”? Ano ang dahilan at ibinigay ang dispensation na iyon?

JM nakaligtas sa naging kapalaran ni Rocco

Iisipin ba ninyong kumita nang ganoon kalaki ang pelikula ni JM de Guzman? Noong una siguro hindi nila akalain na kikita iyon nang ganoon kalaki, pero dahil kumalat agad na maganda ang pelikula, kahit na obviously hindi high budget movie iyan, kumita sa mga sinehan.

Nabanggit naming suwerte iyang si JM de Guzman, dahil kung natuloy siya sa pelikula noon tungkol kay Pedro Calungsod, na alam naman nating hindi kumita at hindi naman mahusay ang pagkakagawa, siguro wala na rin siyang career ngayon. Pagkatapos ng pelikula niya ngayon, tiyak na may kasunod agad siyang project. Eh tingnan ninyo kung ano ang nangyari sa sumalo sa kanyang role noon na si Rocco Nacino, nasaan na nga­yon?

Aktor na nag-akusang inaabuso nagmamakaawang bigyan na uli siya ng trabaho

Nakikiusap nang husto ngayon ang isang male star na muli na siyang tanggapin ng kanyang network. Uma­bot na raw iyon sa halos nagmamakaawa na siya na tanggapin siyang muli.

Noong una napakayabang ng kanyang dating na ine-exploit siya ng kanyang network, ngayon kung babalik siya roon para na rin niyang nilunok lahat ng kanyang sinabi laban sa network niya. Pero ano nga ba ang magagawa niya kung wala na siyang ibang malunok at gutom na siya?

ANG BALESIN

BALESIN

BALESIN ISLAND

BISHOP ARTURO BASTES

BORN AGAIN

NOONG

SI BISHOP CORTEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with