Aljur apektado sa nangyari kay AiAi
MANILA, Philippines – Mas makabubuting maghain na ng demanda si AiAi delas Alas laban kay Jacob Fernandez hindi lang dahil sa kinanselang concert niya sa Solaire Casino and Casino kundi sa pagpasok nito sa bahay nila sa QC ng walang pahintulot na isinulat ng kaibigang si Jojo Gabinete.
Bumuwelta ng paninira si Jacob kay AiAi dahil sa pambubuking niyang hindi pagbayad sa venue, members ng banda, at equipment na gagamitin sa concert. Ayon diumano sa producer, mahina raw ang benta ng tickets sa concert. Bagay na pinabulaanan ni AiAi.
Para matahimik na ang lahat, once maisampa ni AiAi ang reklamo laban kay Jacob, sa korte na sila magbigayan ng panig nila.
Bukod sa panghihinayang sa kanselasyon ng concert ni AiAi, time na sana ito ni Aljur Abrenica upang umingay muli ang kanyang pangalan. Isa sana si Aljur sa guests pero nabulilyaso ang guesting niya.
Eh, siyempre, magkakaroon ng landian portion kina AiAi at Aljur. Eh, sinumang lalaki na madikit kay AiAi ay pinag-uusapan, huh! Sad to say, malaking oportunidad din ‘yung nawala kay Aljur, huh!
Pokwang kakaiba ang aura, hindi na tigang dahil sa afam
Tinamaan talaga si Pokwang sa American actor na leading man niya sa EDSA Woolworth na si Lee O’ Brian. Hindi na nag-inarte pa ang komedyana na umamin sa relasyon nila ni Lee, huh!
Hindi nga lang ginawang sentro ng promotion ang relasyon ni Pokey kay Lee habang nandito ang afam (foreigner) nu’ng promotion ng movie. Saka lang bumulwak ang tunay nilang relasyon ngayong balik-Amerika na si Lee.
Dahil sa pagkakaroon ng boyfriend, gone are the tigang days ni Pokwang, huh! Puwede na niyang makamit ang pangarap na magkaroon ng blue-eyed baby kung sakaling pabuntis siya kay Lee!
‘Yun nga lang, nandiyan pa rin ang dream ni Pokey na makapagtapos ng culinary arts ang anak na si Mae Subong. Hindi pa siya talaga puwedeng maging pakawala sa pag-ibig dahil mas priority niya ang responsibilidad kesa ang pangmatagalang lovelife, huh!
Sa taping nga raw ng Kapamilya teleserye na Nathaniel kung saan isa sa cast si Pokwang, punumpuno siya ng pag-ibig at kakaiba ang aura niya sa mukha, huh!
Ruffa tipid sa pictures nila ng BF sa Bali
Sa Bali, Indonesia nagpalipas ng Valentine’s Day si Ruffa Gutierrez kasama ang boyfriend na si Jordan Mouyal. ‘Yun nga lang, tipid na tipid ang pictures nilang dalawa na magkasama, huh! Pawang mga views sa hotel na tinirhan ang naka-post sa Instagram account ni Rufing, huh!
Wala na ngang problema kay Tita Annabelle sa bagong boyfriend ni Ruffa. Hindi man siya solved na solved sa pagkakaroon ng dyowa ng panganay na anak, hindi naman na niya puwedeng pigilan pa si Rufing na may edad na rin, huh!
Tutal naman, hindi na pinapasok ng aktres ang mabuntis muli. Sapat na sa kanya ang mga anak na sina Lorin at Venice kahit na nga capable pa siyang magkaroon ng baby, huh!
- Latest