^

Pang Movies

Pagkatapos alatin ng mga Pinay sa international beauty pageants Neil Perez nagbigay karangalan sa ‘Pinas, wagi sa Mister International

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Natupad ang wish ng ating Philippine representative na si PO2 Mariano Flormata, Jr. o mas kilala bilang si Neil Perez na mauwi niya ang titulo at korona bilang Mister International 2014.

Ginanap sa Seoul, South Korea noong nakaraang Valentine’s Day, February 14 ang naturang pageant.

Tinalo ni Neil ang mga mahihigpit na kalaban niya na mas matangkad at mas malaki ang katawan sa kanya.

Ang kanyang mga naging runners-up ay sina Mr. Lebanon Rabdi El Zein (1st runner-up); Mr. Czech Republic Tomas Dumbrovsky (2nd runner-up); Mr. Poland Rafal Maslak (3rd runner-up) at Mr. Slovenia Mitja Nadizar (4th runner-up).

Nanalo rin ng 2nd runner-up si Neil sa Best National Costume ng naturang pageant.

Bago lumipad ng Seoul si Neil ay sinabi nito sa kanyang interview na dedicated sa mga pinaslang sa Mamasapano na 44 Special Action Force ng ­Philippine National Police ang kanyang pagsali at kung suwertehin siyang manalo, para ito sa mga kapwa pulis niyang nagsakripisyo ng buhay nila.

Pito kasi sa SAF44 ay naging kaklase niya sa police academy.

Isang bomb and explosives technician ng PNP Aviations Security Group ang 29-year-old title holder.

Naging kontrobersyal ang pagsali ni Neil sa Misters of the Philippines last year at noong manalo siya ay nai-feature sa Magpakailanman ang kanyang life story.

Maraming mga bading ang natuwa dahil sa wakas ay may napanalunan ang Pilipinas na isang pageant title.

Inalat daw kasi ang mga pinadala nating mga babae sa mga international beauty pageants at talunan silang lahat. Lalaki lang daw pala ang muling nagpaingay sa bansang Pilipinas.

Ibang sexy starlet na ang ‘kalaro’ Sexy starlet banned na sa condo ng male celeb

Hindi  pinapayagang makapasok sa isang condo building ang isang sexy starlet na madalas na bisita ng isang male celebrity doon.

Nagtaka ang sexy starlet kung bakit bigla siyang hindi na pinapapasok, eh madalas nga raw siya roon. Pero bilin daw ni male celebrity na huwag na itong paakyatin hanggang walang pasabi niya.

Naging regular na visitor ni male celebrity ang sexy starlet nang magkakilala sila noong gumawa sila ng isang pelikula.

Matagal na ngang crush ni sexy starlet si male celebrity kaya gumawa ito ng paraan na maakit niya ito.

Sa mga love scene nila, walang takot na hinahawakan talaga ni sexy starlet ang kargada ni male celebrity at kapag may kissing scenes sila, nilalabas talaga niya ang kanyang dila para maelya sa kanya ito.

Nagwagi naman siya kaya tuwing kinakati raw ang male celebrity, si sexy starlet ang tinatawagan nito dahil lagi itong handa. At with matching lechon manok pa raw ito dahil iyon ang laging request ni male celebrity na dalhin niya.

Pero ngayon ay nagtataka ang sexy starlet kung bakit hindi na siya pinapapasok. Ilang beses niyang tinawagan ang male celebrity pero dedma na ito sa kanyang mga tawag.

Noong sumakay na siya sa kanyang sasakyan na naka-park sa ‘di kalayuan sa condo building, nakita niya na dumarating sa condo building ang isang kasamahan niyang sexy starlet din.

At kitang-kita niya na may dala itong lechon manok na tulad ng dinadala niya para sa male celebrity.

Kaya pala hindi na siya pinapaakyat dahil may iba na pala na taga-deliver niya ng lechon manok ang pinagpaparausan niya.

J.Lo higit P1-M ang suot kahit walang okasyon na pupuntahan

Hindi nga mapigilan ang pagpapabongga ni Jennifer Lopez. Hindi lang siya sa red carpet ng mga awards night at premiere nights nagsusuot ng mga mamahaling damit kundi pati sa airport!

Nitong huli na nakita siya sa LAX International Airport ay marami ang nagulat na ang kabuuan na suot ni J.Lo mula ulo hanggang paa ay nagkakahalaga ng $26,156!

In Philippine peso, ang halaga ng suot ni J.Lo sa airport ay P1,150,864!

Heto ang halaga ng bawat suot ni J.Lo: Peace Love World sweats ($180); Versace sneakers ($1,070); Brunello Cucinella cap ($1,115); Versace bag ($1,378); Lana Jewelry earrings ($1,185); Jennifer Fisher cuff ($5,300) at Jennifer Fisher ring ($16,000).

 

vuukle comment

AVIATIONS SECURITY GROUP

CELEBRITY

JENNIFER FISHER

MALE

NEIL

NIYA

SEXY

SIYA

STARLET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with