^

Pang Movies

Tumaba na, hindi na mukhang butiki Daniel nagiging katakam-takam na

- Vinia Vivar - Pang-masa

Marami ang nakakapansin na medyo lumalaki na ang katawan ni Daniel Padilla ngayon. Kumbaga, nagkakalaman na siya at nagiging katawang-binata na. May eksena nga raw sa Crazy Beautiful You kung saan ay nakasando lang ang Teen King at napaka-yummy raw nitong tingnan.

“Ang daming nagsasabi na tumaba raw ako. Hindi ako tumaba guys, ano lang, lumaki. Actually, pinatataba nila ako, kaso nga, sumobra lang,” sabi ni Daniel.

Pero say ng young actor ay mas gusto na raw niya ang katawan niya ngayon.

“Mas gusto ko na ngayon kaysa naman noon, mukha akong butiki,” he said na ikinatawa ng entertainment press.

Natanong naman si Kathryn Bernardo kung mas gusto ba niya ang katawan ng ka-loveteam nga­yon at say ng Teen Queen, “oo, mas gusto ko ‘to.”

At ibinuking nga ng young actress na dati nga ay pinapataba raw nila talaga si Daniel. Nang tumaba raw ay pina-stop na ito sa pagkain.

“Pero siya ‘yung nagtatago pa para kumain,” pagbubuking ni Kahtryn na tinutulan agad ni Da­niel.

“Wow, grabe, hindi totoo. Kailan nangyari ‘yun, Kathryn?” sabi ni Daniel.

“Pero mas bagay naman talaga (ngayon),” bawi ni Kathtryn.

When asked kung may abs na ba siya, say ni Daniel ay hindi pa raw niya kailangan.

“Bata pa ako. Kaya pa naman ng hitsura ko,” he said.

Anyway, ang Crazy Beautiful You ay post-Valentine offering ng Star Cinema na pinagbibidahan ng Kathniel. Showing na ito sa Feb. 25 mula sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.

Vin at Sophie walang selosan kahit ipareha sa iba

Dahil nag-rate nang husto ang Wattpad series ng TV5, nga­yon ay nasa 2nd season, 2nd batch na ito kung saan ay apat na iba-ibang stories na naman ang mapapanood.

Starting today, Feb. 16 ay mapapanood ang Cupid Fools na pagbibidahan nina Ahron Villena and Sophie Albert. Kuwento ito ng pagkukunwaring relasyon na mauuwi sa higit pa sa kanilang inaasahan.

Gagampanan ni Ahron ang papel na heartthrob na hindi lang guwapo kundi matalino at halos perfect pero nursing a broken heart. Nakipag-deal siya kay Ingrid na ginagampanan ni Sophie at nagpanggap na magdyowa.

After Cupid Fools na tatakbo from Feb. 16- 20 ay susunod naman ang EX ko ang Idol N’yo starring Marvelous Alejo and Ranz Kyle of Chicser. Ang kuwento naman nito ay sinulat ni Shaicee and now has 4.8 million reads. Tungkol ito sa isang babae na ang tingin sa sarili ay loser at mas lalo pang nakaramdam ng pagkaawa sa sarili nang maging sikat na artista ang kanyang ex-boyfriend.

Third offering naman ang Bitter Ella na magsisimula sa March 2 at magtatapos sa March 6. Pinagbibidahan naman ito nina Phytos Ramirez and Katrina Velarde aka Suklay Diva.

Last of the second batch of Wattpad Presents ang My Fiancé Since Birth na pagbibidahan naman nina Yassi Pressman at Vin Abrenica.

Sa presscon ng apat na episodes ay natanong ang real-life sweethearts na sina Vin at Sophie kung wala bang selos factor kapag iba ang kapareha ng isa’t isa at say nila ay wala naman daw dahil alam nilang trabaho lang ito.

Napapanood ang Wattpad Presents Monday to Friday, 9 p.m.

 

vuukle comment

AFTER CUPID FOOLS

AHRON VILLENA AND SOPHIE ALBERT

BITTER ELLA

CRAZY BEAUTIFUL YOU

CUPID FOOLS

FEB

NAMAN

PERO

SOPHIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with