^

Pang Movies

Jaya nabiktima na rin ng ‘manlolokong’ producer!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Naging biktima rin pala si Jaya ng concert producer na si Jacob Fernandez at nanggaling ang impormasyon mula kay GB Sampedro, ang direktor na ex-husband ng manager ni Jaya.

Ang difference lang, pinili ni Jaya na manahimik at hindi siya tinularan ni AiAi Delas Alas na talagang nagsalita para hindi na madagdagan pa ang mga mabibiktima ni Jacob.

At dahil nagsalita si AiAi, may mga naninira sa kanya at nagsasabi na hindi itinuloy ni Jacob ang concert dahil kakaunti lamang ang bumibili ng tickets.

Paano mangyayari ‘yon eh co-producer si AiAi ng show? Marami nang naibenta na tickets si AiAi kaya gustung-gusto niya na ituloy ang concert alang-alang sa mga bumili ng tickets.

Common sense ang dapat pairalin sa mga ganitong isyu. Hindi dapat agad na pinapaniwalaan ang explanation ng mga tao na questionable ang credibility.

O baka naman, kokonti lang ang mga ticket na naibenta ni Jacob dahil wala nang  nagtitiwala  sa kanya?

Si Jacob ang nagsabi sa road manager ni AiAi na si Leny Yap na nagtataka siya dahil wala nang may gustong tumanggap  sa mga tseke niya.

Hindi ibinigay sa kanya ng Solaire management ang The Theater dahil tseke na post dated na may petsa na February 17 ang ibinabayad niya eh February 12 ang concert.

Klarung-klaro na may pera na hinihintay si Jacob kaya tseke ang kanyang pilit na ibinibigay.

May petsa na February 17 ang tseke. Alam nating lahat na three working days bago ma-clear ng mga bangko ang tseke kaya puwedeng isipin na naghihintay pa si Jacob ng pangpondo sa tseke na ibinayad niya.

Napaka-heartless ng mga tao na nagsasabi na walang bumibili ng tickets ni AiAi dahil ito na nga ang nagmagandang loob  para makabangon si Jacob, siya pa ang sinisiraan.

Hindi na  kailangan ni AiAi na magsalita pa o ipagtanggol ang sarili dahil lumabas ang lumang kopya ng isang diyaryo na may report at picture  tungkol sa pagdakip ng NBI agents kay Jacob.

May file video rin ang TV Patrol ng pagdakip kay Jacob na nakaposas ang mga kamay. Enough evidence na ‘yon para malaman ng publiko kung sino sa kanila ni AiAi ang dapat paniwalaan.

‘Wedding Reception nina Chiz at Heart hindi ko na sisiputin’

Invited ako sa wedding reception nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero sa Blue Leaf, Aseana City sa February 18.

Nag-beg off na ako kay Heart dahil gabi ang wedding reception at alam naman niya na hindi ako napapakinabangan tuwing gabi bilang early to bed ang drama ko.

I’m sure, naiintindihan ako ni Heart dahil knows niya rin na hindi ako umapir sa wedding reception nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Ninang ako sa kasal pero pagkatapos ng seremonya sa Immaculate Conception Cathedral, nagbabu na ako at umuwi nang bahay.

At dahil hindi ako makakarating sa wedding reception, sasabihan ko si Heart na bigyan niya ako ng wedding souvenir na ipamimigay nila ni Papa Chiz sa kanilang mga bisita.

Mababaw lang ang kaligayahan ko. Maabutan lang ako ng mga give away at souvenirs, happy na ako as in forever ko nang tatanawin na utang na loob.

AIAI

AKO

ASEANA CITY

DAHIL

JACOB

JAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with