^

Pang Movies

Anak ni Fabio tanggap na ng pamilya niya, relasyon sa gf unstable pa rin

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagkaroon na ng change of lifestyle ang Brazilian-Japanese model-turned-TV host na si Fabio Ide noong maging isang daddy na siya.

Noong mapatunayan na siya ang ama ng baby ni Denisse Oca (daughter ng aktres na si Melissa Mendez), kaagad ngang nag-iba na ng kanyang nakagisnan na buhay-binata si Fabio. Lahat na raw ng kanyang ginagawa ngayon ay para na sa kanyang anak na si Danielle.

“Mas naging mature na ako noong maging daddy na ako.

“Now, I always think of my daughter Danielle. Lahat ng kinikita ko from my work, it all goes to my daughter’s future.

“Kaya nga, kahit wala akong masyadong TV show, except for the game show Dobol Or Samting at Viva Channel, I am blessed to have invested in many businesses.

“I am part owner of Gramercy and Valkyrie. These are clubs that are doing very well. I’m also investing in other businesses pa.

“I just can’t rely everything sa showbiz because it’s such an unstable profession. I need to earn and work by other means. And I am thankful that meron akong mga naging investments.

“Lahat naman ‘yan is not just but for my daughter. I love my baby and I will do anything para magkaroon siya ng good future,” ngiti pa ni Fabio.

Kakauwi lang ni Fabio mula sa Brazil. Tatlong taon nga raw siyang hindi nakauwi kaya noong magkita sila ulit ng kanyang pamilya, ang kanyang anak ang siyang naging topic nila.

“They all love Danielle and they cannot wait to see her.

“Pag-uwi ko nga noong Christmas, there was this big Christmas tree, ang mga pictures ni Danielle ang nakasabit doon.

“I am happy that they immediately accepted my daughter. Lalo na ang parents ko kasi first grandchild nila si Danielle. They want to see her na and hopefully, when Danielle is a bit older, I can take her to Brazil. Or my parents can fly over here to see her.”

Nagpapasalamat din si Fabio na tahimik na raw mula sa kampo ni Denisse at sa kanyang girlfriend na si Michelle Pamintuan.

Though inamin ni Fabio na medyo rocky ang relasyon nila ni Michelle ngayon.

“Gano’n naman kami ni Mitch. We have this unstable relationship. But I am happy na things are okey na with her and the family of Denisse.

“Mas okey if we all get along, ‘di ba? There are times that we say things out of anger and frustration. But in the end, if we say sorry, everything is forgiven na.

“So I wish that this peace will happen for a long time. We all want the best for baby Danielle,” pagtatapos pa ni Fabio Ide.

Amy at Regine bilib sa pagtulong ng PLDT

Kabilang ang mga celebrities na sina Amy Perez at Regine Tolentino pati na ang noontime show na Eat Bulaga na bilib sa pagtulong ng PLDT sa mga tinatawag na “mininegosyantes”.

Ni-launch ng PLDT ang kanilang PLDT KaAsenso na magbibigay ng isang all-in-one instant Internet cafe na kung tawagin ay Cyberya.

Sa pamamagitan nga ng Cyberya, makakapagsimula sa ganitong maliit na negosyo ang ilang mga nangangarap na maging malaking negosyante balang-araw.

Kaya naman kabilang sa mga ipinamimigay bilang premyo ng Juan For All, All For Juan ng Eat Bulaga ang Cyberya ng PLDT KaAsenso.

Ayon nga kay Gary Dujali, VP and Head of Home Marketing ng PLDT, upgraded na ang kanilang products and services para sa mga gusto nang magsimula ng kanilang small business gamit ang kanilang KaAsenso package.

“Filipinos are naturally very resourceful and really find creative ways to provide for their family. We’ve recently introduced the most affordable minigosyo package ever, Plan 1888, with high-speed Internet at up to 3Mbps plus the ever reliable PLDT landline.

“We also have Store Watch, a security bundle that allows minigosyantes to remotely monitor their businesses for only P99 per month.

“We also have WiFi Zone, ideal for digitally-savvy Filipinos. For only an additional P299 service fee per month, minigosyantes can offer WiFi access as an additional come-on for more customers to visit their stores with free or paid WiFi.

“Now, we also have Cyberya, an all-in-one Internet café package that includes a complete computer set, cabinet, and coin-operated timer, and is powered by the reliable PLDT Home DSL.

“Our vision is to give every Filipino the opportunity to start his own business with utmost convenience for a better future.”

Kahit walang improvement sa vital signs, anak ni Whitney Houston ayaw sukuan ng ama

Ayaw pa ngang wakasan ni Bobby Brown ang buhay ng kanyang nag-iisang anak na si Bobbi Kristina Brown.

Sinabihan na ng mga doctor si Bobby na wala na silang magawa para ma-improve pa ang kalagayan ni Bobbi Kristina dahil unresponsive ito sa lahat ng kanilang medication.

Under medically-induced coma si Bobbi Kristina at ang best way daw para hindi na maghirap pa ito at ang kanyang pamilya ay ang tanggalin na siya sa life support system.

Pero ayaw nga ito gawin ni Bobby sa anak nila ni Whitney Houston.

Dahil sa relihisyoso siya, naniniwala siyang magkakaroon ng milagro para mailigtas ang kanyang anak.

Inilipat na nga si Bobbi Kristina sa Emory University Hospital kung saan equipped ito ng mga latest neurological machines. Pero wala raw improvement sa mga vital signs ni Bobbi Kristina.

Natagpuang face down sa bathtub na may tubig si Bobbi Kristina sa bahay nito sa Atlanta, Georgia. Kasalukuyang iniimbestigan ng mga authorities ang mga droga na natagpuan sa bahay nito.

 

BOBBI KRISTINA

CYBERYA

EAT BULAGA

FABIO

FABIO IDE

KANYANG

LAHAT

PLDT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with