Bea at Jake hindi makapaniwalang bida na sa pelikula
Hindi expected nina Bea Binene at Jake Vargas na sila ang mapipili ng APT Entertainment at ni Direk Richard Somes na mag-lead sa pelikulang Liwanag sa Dilim. Medyo pinag-uusapan muna nina Direk Richard at ng APT producer kung sinu-sino ang mga hot items among young love teams sa pelikula. So, hindi na pinatagal pa kung dapat pa bang maghanap ng mga young talents para sa pelikulang Liwanag sa Dilim dahil sina Bea at Jake ang isa sa mga maugong na love team ng nakaraang taon. Maliwanag na silang dalawa ang right pair para magbida.
Saka may hinahabol na playdate si Direk Richard at 15 days ang target nito to finish the said movie. Saka pinag-uusapan ang kuno ay relasyon nila.
Pero suspetsa ng mga katoto, true na cool-off sila, at ang dahilan ng denial ay para sa big promotion ng Liwanag sa Dilim. Ano’ng say mo riyan, Jun Nardo?
Sa ginanap na presscon, parang iniihaw sina Jake and Bea dahil sa mga hot question ng press! Pero sa tingin namin, handa sila sa mga isasagot nila tungkol sa balitang break na nga sila. Walang ipinagbabago sa paulit-ulit na sagot. Pero halata, hindi na sila sweet sa isa’t isa. Ganoon!
Kahit senior citizen na Dante Rivero machong-macho at poging-pogi pa ring tingnan!
Pinaka-senior citizen sa Liwanag sa Dilim si Dante Rivero, pero macho-looking at wala pa ring kupas ang kapogian niya. Alam n’yo bang si Dante Rivero ang isa sa pinakamakisig na aktor na bini-build ng Lea Productions noon?
First time ko namang nakita si Sarah Lahbati. Ang ganda niya. Parang hindi nabuntis at nanganak. Ang kutis niya, parang olive ang kulay. Kanta pala ni Rico Blanco ang theme song ng Liwanag sa Dilim at kasama siya sa cast, ganoon din ang basketball icon na si Freddie Webb.
Shan Morales sinusundan ang mga yapak ni Sarah
Grabe talaga ang nagawa ni Sarah Geronimo, bilang idol ng masa at singer ng masa dahil ang daming gustong sumunod sa kanyang yapak. Gusto rin nilang maging katulad niya, magaling na singer, biretera, artista mapa-TV man o pelikula, magaling na dancer, at host.
At ngayon gusto rin ni Shan Morales, 16 years old at 4th year high school student ng Yverdon Pestallozi School sa San Jose Del Monte, Bulacan na maging ala-Sarah din.
Nakapasok na si Shan sa larangan ng musika at halos malula siya dahil ganoon daw pala ang ginagawa ng isang baguhang singer kapag nagpu-promote na ng mga kantang ibebenta. Sa ilalim ng RDR Recording Studio, ire-release na ang Wagas at Totoo.
Nasa album rin niya ang mga kantang komposisyon ni Arnel Bautista, Facebook, Can’t Live Without You, Sabi Mo sa Akin, at Puso’y Litung-lito.
Parang Sarah Geronimo si Shan nang mag-start siya sa isang singing search noon, kaya feeling namin, malayo rin ang mararating ng singing career nito na naging champion din sa isang singing competition, Search for Storyland Idol noong Kinder pa lamang siya.
Pinalakpakan siya ng mga manonood nang mag-launch siya sa Tarmer’s Stage Center with Mimosa na birit girl din at dance group na Sexy Boys.
Every Saturday, co-host pa rin nina Direk Elmer de Vera at Edzel Cardil si Shan sa Showbiz Sabado, 12 to 1 p.m.
- Latest