Sariling bahay pinaupahan Lani nakikitira na lang sa kamag-anak kapag nandito sa ‘Pinas
Masayang ibinalita ng mga producer ng Ultimate Valentine Concert na sina Ana Puno at Cacai Velasquez-Mitra na sold-out na ang tickets nila sa gabi ng Saturday, February 14. Nagbukas na nga raw sila ng isa pang section sa SM Mall of Asia Arena, pero iyon pa rin ang mabilis na nabenta at wala na silang maibigay kahit sa friends nila na magbabayad naman. Pero they still believe na magiging SRO din ang February 13 nila dahil hindi imi-miss ng mga concertgoers ang first time, ang pinaka-ultimate na pagsasama-sama ng apat na mahuhusay na concert artists: Concert King Martin Nievera, Mr. Pure Energy Gary Valenciano, Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, at Asia’s Nightingale Lani Misalucha. Ayon nga kay Gary V. sa intimate presscon, first time lamang niyang makakasama sa isang concert sina Lani at Regine, yes, nagkakasama sila, pero guest lamang siya. With Lani, nakapag-guest lamang siya sa concert nito sa Araneta Coliseum noong 2007 pa. Kay Regine, sa Valentine concert nito last year.
Sa ngayon nga raw, may mga nagri-request na ng repeat sa March, 2015 pero hindi makasagot ang mga producer dahil sa schedules ng apat.
“After kasi ng concert namin, kailangan ko ring bumalik na sa Las Vegas, dahil may mga iniwanan din akong commitments doon,” sabi ni Lani. “Iyon din ang reason kaya hindi na ako makapag-stay dito nang matagal, kapag nandito ako, sa condominium na lang ng auntie ko ako nag-stay, iyong kasing bahay namin, pinauupahan ko rin. Bale freelancer din ako, pwede akong mag-guest sa ibang network pero ang regular ko talaga sa ASAP kapag nandito ako,” dagdag ni Lani.
Natanong din si Lani kung hindi ba siya nau-offend kapag ginagaya ang style of singing niya, kahit iyong pahiga-higa siya habang kumakanta. Wala raw siyang problema, natutuwa nga raw siya tulad nang minsang napanood niya sa YouTube na tawa siya nang tawa, sa paggaya sa kanya. Paano kung may sinasabing new Lani Misalucha? Hindi raw maiiwasan na may mga ipanganganak o may darating na bagong mahuhusay na singers, pero biro niya iba pa rin ang original.
Andrea maililigtas pa kaya?!
Final episode na mamayang hapon ng Ang Lihim ni Annasandra sa GMA-7 after ng Yagit.
Ayon sa cast ng afternoon prime, unexpected daw ang ending nila, kaya dapat abangan. Tuluyan kayang patayin si Annasandra (Andrea Torres) ng mga military na kumuha sa kanya matapos makita ang pagiging awok (baboy damo) niya? Mailigtas kaya siya ni Esmeralda (Rochelle Pangilinan) na siyang sumumpa kaya naging awok siya, pero itinuring na siyang parang anak nito?
- Latest