^

Pang Movies

Jolina, nauwi ang halos P1-M pot money sa the Singing Bee

Pang-masa

MANILA, Philippines – Napanalunan ni Jolina Magdangal ang pinakaaasam na pot money ng The Singing Bee  na lumobo na sa P930,000 mula P200,000 sa pangatlong araw nang pagiging defending winner niya noong Biyernes (Enero 30).

Sa kabuuan ay uma­bot sa P990,000 ang naiuwing papremyo ng Flordeliza star simula noong Miyerkules (Ene­ro 28).

Magawa niya kayang umabot sa nalalapit na pagtatapos ng The Singing Bee ngayong Biyernes (Peb. 6) kung saan maaari niyang makaharap ang isa sa mga kampeyon sa BEEritan na sina Bodie Cruz, Frenchie Dy, at Sheryl Cruz? Pinatunayan ng mga nabanggit na celebrity ang husay nila sa song lyrics matapos nilang mapanalunan ang jackpot na P1 milyon sa game show noon.

Patuloy na maki-BEErit sa huling linggo ng daily vitamin BEE ng Pinoy na  The Singing Bee  ngayong Pebrero 2 hanggang 6 ng 10:30 AM sa ABS-CBN.

vuukle comment

BIYERNES

BODIE CRUZ

ENERO

FLORDELIZA

FRENCHIE DY

JOLINA MAGDANGAL

MAGAWA

MIYERKULES

SHERYL CRUZ

SINGING BEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with