^

Pang Movies

Stylistic at Platters makikigulo rin sa Araw ng mga Puso

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines – Makikisawsaw din ang Stylistic at Platters sa Valentine’s Day. Marami pa rin silang fans, although ‘yung miyembro ng Platters ngayon ay hindi na ang original dahil halos patay na lahat ng miyembro nila. Siympre naman 1950’s pa sila sumikat noon. E ‘yung bagong Platters ngayon, kumakanta lang ng kanta ng Platters pero hindi kasinggaling ng original.

Gaya rin ng Four Aces ngayon na pawang hindi na mga original members. Mas maganda pa at kopyang-kopya ng Tiangco Brothers ang orig Four Aces. Sabi nga sa amin ni Emil Tiangco noon, ayaw silang gawing front act ng Four Aces dito dahil mahahalata ng tao na mas hawig ang boses nila sa original Four Aces.

James at Nadine hindi pa alam kung saan magdi-date

Nanggaling mula sa bibig nina James Reid at Nadine Lustre na sila raw ang tiyak na magka-date sa Valentine’s Day. Pero hindi pa sila sure kung sino ang panonoorin nila sa rami ng celebrities na may show. May sariling show si Joey Albert at si Celeste Legaspi kasama ang Circus Band. O kaya sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Regine Velasquez, at Lani Misalucha ang panonoorin nila.

John Lloyd ayaw na uling makasama sa pelikula si Angelica

This year, maraming pelikula daw ang dapat abangan ng fans ni John Lloyd Cruz dahil muli niyang makakapareha sina Bea Alonzo, Sarah Geronimo, at Toni Gonzaga. Talagang trabaho lang muna ang haharapin ni John Lloyd.

Pero bakit kaya hindi nabanggit ni John Lloyd kung may pagtatambalan din sila ng girlfriend na si Angelica Panganiban? Malabo ba silang magsama sa isang pelikula dahil hindi masyadong kumita ang pelikula nila two years ago?

ANGELICA PANGANIBAN

BEA ALONZO

CELESTE LEGASPI

CIRCUS BAND

EMIL TIANGCO

FOUR ACES

GARY VALENCIANO

JAMES REID

JOHN LLOYD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with