^

Pang Movies

Laban sa Mister International ni Neil Perez iaalay sa mga pulis

Ruel Mendoza - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Ikinalungkot nang husto ni PO2 Mariano Perez Flormata, Jr. o mas kilala bilang si Neil Perez, ang PNP Aviation Security Officer na nanalo bilang Mister International Philippines, ang sinapit ng 44 members ng Philippine National Police Special Action Force o SPF 44 sa isang madugong encounter ng mga ito sa Mamasapano, Maguindanao.

Pito nga raw kasi sa grupong iyon ay ka-batchmates ni Neil sa police academy.

“Naawa ako sa pamilya ng mga kapwa pulis ko dahil alam kong umaasa silang babalik silang buhay at walang nangyaring masama sa kanila. Pero ito nga ang nangyari. Sana may managot sa pangyayaring ito.

“Kaming mga nasa PNP, sinusugal namin ang buhay namin para sa bayan. Kaya nga Tagaligtas kami. Sa nangyaring ito, may mali, eh. Hindi dapat nangyari ito kung may maayos na pagbigay ng order.

“Kaya ipinagda­rasal ko na may umako ng pagkakamaling ito. Maawa sila sa pa­milya ng Special Action Force 44.”

Kaya sa paglipad ni Neil patungo sa Mister International Pageant ay dini-de­di­cate niya ang kanyang paglaban para sa mga kapwa pulis niyang nasawi.

Magaganap on February 14 in South Korea ang Mister International Pageant.

“I will do my best to win the title. This is one way of serving my country and bring honor to our Filipino countrymen.

“Kung manalo ako, para iyon sa mga kapwa ko pulis na isinugal ang buhay nila sa laban,” diin pa niya.                      

 

vuukle comment

AVIATION SECURITY OFFICER

KAYA

MARIANO PEREZ FLORMATA

MISTER INTERNATIONAL PAGEANT

MISTER INTERNATIONAL PHILIPPINES

NEIL

NEIL PEREZ

PHILIPPINE NATIONAL POLICE SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with