^

Pang Movies

PTV4 nagpapalit ng image

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Masaya ang dalawang presscon na napuntahan namin last weekend. Una ay ang presscon ng PTV4 na nagulat kami dahil isa itong government station, pero since November, 2014, nagpapalabas na pala sila ng isang Koreanovela na  Here Comes Mr. Oh. Ayon sa PTV4 executive na si Robert Tan, part ito ng re-ima­ging ng network, ang makipag-exchange ng shows with KEI (Korean Entertainment Inc.) Pumunta pa nang personal sa bansa ang dalawang KEI executives na sina Joo Shik Min at Seong Hwa Kung na sumagot sa mga tanong ng entertainment press with an interpreter.

Dagdag pa ni Robert Tan, magkakaroon pa ng ibang Korean shows na mapapanood sa PTV4 na hindi lamang mag-i-entertain sa mga local viewers but will also educate them tungkol sa Korean culture and fa­mily values. Magkakaroon din sila ng co-productions with Korean and Filipino actors working together.

Tinanong ni kasamang Isah Red kung bakit nga­yon lamang sila nagpu-promote ng Tagalized Ko­reanovela kung noon pa palang November ito si­ni­­mu­lan? Hinintay daw muna nila kung magki-click dito ang love story nina Jaryong Oh (Lee Jang Woo) at Gong Yu Na (Oh Yeon Seo) at ngayong umabot na sila ng 800,000 viewers, time na raw para mag-promote sila dahil mapapanood pa ang Korean soap until June, 2015. Base sa magandang  trailer na ipinakita nila, muk­hang aabot nga ng ini-expect nilang two million viewers ang soap nila. Ang dalawang artista ay kilala na rin sa ibang Korean soaps.

According to the producers, ilan sa joint ventures nilang gagawin ay isang popular quiz bee and a nationwide singing contest. May isa rin silang series about a legendary doctor in Korea na ida-dub din in Tagalog. 

3Logy bagong magpapakilig ng kababaihan

May ini-launch namang new boyband ang GMA Artist Center, ang 3Logy na binubuo nina Jeric Gonzales, Jak Roberto, at Abel Estanislao. Nang makausap namin sila, katatapos lamang ni­lang mag-promote ng kanilang first single sa SM Valenzuela, ng Maybe It’s You na theme song ng muling ipinalalabas ngayong Koreanovela na Ako si Kim Sam Soon. Natapos na nilang i-record ito at iri-release soon sa iTunes.  Inihahanda na rin ang isang music video. Nagkaroon ng training ang tatlo sa voice coach nilang si Zebedee Zuniga. Ayon sa tatlo, pinagbotohan ng mga GMA Artist Center executives at ng kani-kanilang handlers mula sa roster nila ng young male stars.

Pero tuloy pa rin ang pag-arte ng tatlo. Si Jeric ay katatapos lamang ng Strawberry Lane, si Jak ay regular ding napapanood sa Walang Tulugan at kasama siya sa indie film na Asintado, si Abel ay nakasama rin sa top-rating afternoon prime na The Half Sisters. May bago siyang gagawing soap, ang The Healing Hearts.

 

ABEL ESTANISLAO

ARTIST CENTER

AYON

GONG YU NA

HALF SISTERS

HEALING HEARTS

ROBERT TAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with