Geoff at Max umaatikabo ang lovescenes
Parehong single sina Geoff Eigenmann at Max Collins, pero ayaw nilang padala sa sinasabi ng mga entertainment press sa presscon ng Kailan Ba Tama ang Mali? na bagay silang dalawa. Naalaala namin ang sabi ni Direk Gina Alajar, after ng break-up ni Geoff kay Carla Abellana na feeling daw niya, magiging matandang binata ang anak at siya niyang makakasama sa bahay. Si Max naman, kahit open naman ang panliligaw sa kanya ng kapwa Kapuso actor na si Pancho Magno, career pa rin niya ang first priority niya. Ayon kay Geoff, maganda raw at may attraction sa kanya si Max na kasama rin niya sa PPL Entertainment, pero ngiti lamang ang sagot niya kung liligawan niya si Max.
Challenge raw kina Geoff at Max ang role nila bilang mag-asawa sa afternoon prime ng GMA 7 na mapapanood na simula sa February 9, kapalit ng Ang Lihim ni Annasandra na nasa finale week na ngayong linggong ito. First mature roles nila ito at based sa trailer pa lamang, maraming kissing scenes at love scenes sa kanila at sa mga pumipilit silang agawin sa isa’t isa, sina Empress Schuck at Dion Ignacio.
Mga paghihirap ng mga pulis damang-dama
Naiyak kami sa panonood ng necrological service sa 42 Special Action Force (SAF) members na napatay sa Maguindanao, sa Camp Bagong Diwa Multipurpose Hall kahapon. Kahit wala pa si Pangulong Noynoy Aquino nagsimula na ang pagbibigay ng eulogy ng mga commanders ng mga fallen soldiers at 9:00 a.m. Naka-schedule raw kasi ang pagdating ng pangulo ng 10:00 a.m. Nakalulungkot na may mga coffins na walang kaanak na naroon, mayroon namang isang wife na hindi tinanggap ang iniabot na medal of valor ng pangulo, sa halip, niyakap lamang nang mahigpit ang kargang anak.
Naalaala namin ang napanood naming episode ng I-Witness ni Jay Taruc na The Few and The Proud Marines na ipinakita roon kung gaano kahirap sa pagpasok pa lamang ang gustong maging sundalo at sa rigid training nila for eight months bago sila naka-graduate.
Makikita rin na may umiiyak na sa hirap pero hindi sila sumuko.
Then, makikita mo ang nangyari sa 44 SAF members sa Maguindanao kung gaano kadali ang kanilang kamatayan na walang kalaban-laban.
Dasal namin na malaman na ang katotohanan sa pangyayari at makamit nila ang katarungan sa kanilang kamatayan.

- Latest