Robin natupad ang wish
Natupad ang wish ni Robin Padilla na muling makagawa ng sitcom.
Huling sitcom na ginawa niya ang Toda Max sa ABS-CBN 2. Kaya noong mag-offer sa kanya ang TV5 ng isang sitcom, um-oo agad ito.
“Pagkatapos kong gawin ‘yung Talentadong Pinoy, sabi ko gawin na natin ay isang sitcom. Tamang-tama na may offer ang TV5 na gawin ang 2 1/2 Daddies.
“Okey iyon kasi bago ako magsimula sa bagong season ng Talentadong Pinoy, gusto ko munang mag-sitcom at gusto ko kasama ang mga utol ko,” pagtukoy pa ni Robin kina Rommel Padilla at BB Gandanghari.
Mas nakilala raw ni Robin kung sino si BB noong magkaayos na sila at magkasama na sila sa trabaho.
“Yung namayapang Rustom na kilala namin, seryosong tao ‘yun.
“Ngayon, si BB, bukod sa napakagaling na aktres ay napakasaya pang kasama,” pagtatapos pa ni Robin Padilla.
Hindi nakadalo sa SAG Awards Mark Rufallo sa social media lang nagbigay ng acceptance speech
Isa ang Hollywood actor na si Mark Ruffalo sa pinaka-busy na aktor ngayon.
Dahil sa rami ng trabaho nito, hindi nito nagawang maka-attend sa 21st Screen Actors Guild Award or SAG Awards kungsaan nanalo pa naman siya bilang Male Actor in a Mini-Series para sa TV-movie na The Normal Heart.
Tinalo ni Mark ang mga kalaban niyang sina Adrien Brody (Houdini), Benedict Cumberbatch (Sherlock: His Last Vow), Richard Jenkins (Olive Kitteridge), at Billy Bob Thornton (Fargo).
Nag-post ng kanyang selfie si Mark sa kanyang Instagram account para magpasalamat sa kanyang pagkapanalo.
“Upon waking and hearing from my wife and kids that I won a @sagawards for #TheNormalHeart Love wins tonight!”
Nominated din si Ruffalo sa supporting actor category for the movie Foxcatcher, pero natalo siya roon ni J.K. Simmons for Whiplash.
Pinuri naman si Mark ng kanyang The Normal Heart co-star na si Julia Roberts noong mag-present ito ng award sa SAG Awards.
Sa tweets naman ni Ruffalo, dito na lang niya sinabi ang kanyang dapat na acceptance speech:
“Special thank you to all my brother and sister actors for this incredible distinction. It’s really the one that matters.”
“Thank You Reps! Shani Rosenzweig, Billy Lazarus, Tracy Jacobs, Scott Wexler, Aleen Keshisian, Margret Riley, Keith Kleven, Stuart Gelwarg.”
“Thank you PR team! Jessica Kolstad, Nicole Caruso, Alexandra Kahn, and Grace Yi!
“Last but not least. Thanks to all you folks who have supported the movie and me all these years. Good night.”
“Again. A very special thanks to the love of my life, my pal, and my partner Sunrise Ruffalo. And (my children) Keen, Bella, and Odette.”
Kasalukuyan ngang ginagawa ni Mark ang pelikulang Now You See Me: The Second Act.
- Latest