^

Pang Movies

Pagkatsugi sa serye ni Xian natakpan ng pag-dub niya sa bear

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi naman sinagot ni Xian Lim nang diretso ang pagkakasibak niya sa coming teleserye na Bridges tungkol sa pag-abot niya ng 30 plus takes bago makuha ang akting na gusto ng director! Sa halip ay ipinagkibit lamang niya ito kaya hindi pinan­sin dahil bahagi ng pag­iging artista niya ang tsismis.

Hayan, lumabas tuloy na kuryente ‘yung source ng balitang ‘yon kay Xian, na galing daw sa isang senior artist na ka­sama sa series, huh!

Naku, kung sa korte ‘yang denial na ginawa niya, mahina ang kaso niya. Suportahan niya ng convincing evidence upang paniwalaan siya ng korte, huh!

Upang mawala ang isyu, hayun at ginawang damage control ang pagda-dub niya sa isang character sa foreign movie. At least, mas madali nang solusyunan ang mga mali sa boses, huh!

Angelica ka-level na lang ni Jean Garcia

Nagdalawang-isip din si Angelica Panganiban kung tatanggapin niya ang offer ng ABS-CBN sa remake ng Pangako sa ‘Yo. Siyempre, lalabas siyang ina ni Daniel Padilla (dahil siya ang lalabas bilang Jean Garcia sa unang bersyon) na ilang taon lang ang tanda sa kanya.

Pero ayon sa aktres, pinag-isipan din niya ‘yung role na Amor Powers na ginampanan ni Jodi Sta. Maria. Pero ‘yung role ng Claudia ang napasakanya.

Rason ni Angelica sa pagtanggap ng role na may bi­na­tang anak, “Naisip ko rin na kung tatanggap ako ng ganoon, might as well do it now sa Pangako sa ‘Yo dahil isa sa classic na teleserye ‘yon!”

Janine at Elmo nakasama ang ex ng aktor na si Lauren sa kasal ni Saab

Belong na talaga sa Magalona family si Janine Gu­tierrez. Magkasama kasi silang dalawa ng boyfriend na si Elmo Magalona sa pagdalo ng kasal ng sister ng aktor sa Baguio nitong weekend na si Saab Magalona kay Jim Bacarro.

Nabasa nga namin sa social media na present din si Lauren Young sa nasabing kasalan dahil best friend siya ni Saab. Wala mang aminan na nangyari kina Elmo at Lauren, nabuking ito sa social media ng kapatid ni Saab na si Clara.

Anyway, since thing of the past na ‘yung kina Elmo at Lauren, wala naman sigurong dahilan si Janine na ma-insecure sa presence ni Lauren dahil solong-solo naman niya si Elmo tuwing ta­ping nila ng More Than Words ng GMA, huh!

Mga TV network sigurado na naman ang limpak-limpak na kita sa mga pulitiko

Mahina pa ang pasok ng mga commercial ngayon kaya naman panay ang pasok sa ASAP ng segment buy ng mga commercial. Kahapon ay dalawang produkto ang binigyan ng programa ng ilang minuto sa Kapamilya Sunday show na brand ng motor at deodo­rant!

Medyo madalang pa kasi ang pasok ng TV spots sa ganitong mga buwan. So any commercial na makakadagdag sa kita ng program, sunggab lang sila nang sunggab, huh!

Towards the end of the year naman lalago ang income ng network dahil pagdating ng Oktubre, fi­ling na ng candidacy sa 2016 national elections, huh! Aarya na riyan ang mga iba’y ibang infomercials ng pulitikong tatakbo sa national position!

Magagamit na naman ang ilang pulitiko ang entertainment media na every four years lang nilang pinakikisamahan, huh! Puwes…

vuukle comment

AMOR POWERS

DANIEL PADILLA

ELMO

ELMO MAGALONA

JEAN GARCIA

LAUREN

NIYA

SAAB

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with