^

Pang Movies

Robin muntik na noong sunugin ang PBB House

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Masaya at napuno ng tawanan at revelations ang pocket interview sa Padilla siblings, - Robin, Rommel at BB Gandanghari - para sa first project nila together, ang sitcom na 2 ½ Daddies ng TV5.  Ayaw ni BB na tawagin pa silang Padilla brothers dahil hindi na raw siya brother. Nakakatuwa ang kulitan ng magkakapatid na ipinakita at mapapanood na mamaya, 8:00 p.m., sa direksyon ni Monti Pa­rungao.  Laglagan ang tatlo sa pagkukuwento habang nagti-taping sila.

Nagpasalamat sa TV5 si Robin dahil sila ang nagpabuklod sa kanilang tatlo, katuparan ng isang matagal na nilang plano na magkasama-sama. Doon din daw natupad ang matagal na niyang wish na makatambal si Alice Dixson na noong magkakasama pa sila sa Viva Films, ilang beses daw niyang hiningi ito kay Boss Vic del Rosario pero hindi raw niya alam kung may gusto si Rustom (BB) noon kay Alice at binabakuran nito.

Ibinuking naman ni Rommel na mahusay palang mag-action si BB samantalang noong ginawa nila ang action movie na Mistah, madalas daw ang eksena nito ay laging may double, kahit ang pasipa-sipa lamang sa action routine. Pero rito sa sitcom, si BB talaga ang gumagawa.

“Nag-training talaga ako kung paano sumipa,” natatawang sagot ni BB. “But I’m very happy na natuloy na rin itong sitcom namin at makikita ninyo ang rapport naming magkakapatid sa mga eksena. Nakakatuwa na kung ano ang trato nila sa ibang babae, ganoon din ang ibinibigay nila sa akin. I can express more of myself now, wala na akong inhibitions.  Maraming eksena rito na totoong hango sa buhay namin, like iyong minsang nag-appear ako na wala akong bra, sabi ni Omeng, mag-bra ako para hindi mapansin ang nipples ko.  Si Robin naman, ayaw niya na masyadong maikli ang paldang suot ko, pero nagagawa naming katatawanan iyon.  Hindi naman ako napipikon sa mga sinasabi nila sa akin, nahirapan lamang ako sa  kanilang i-explain ang pagiging transgender ko kaya sinabi ko na lamang sa kanila na “accept me for who I am.”

Naikuwento rin ni Robin na talagang nagalit siya nang malaman niyang ipinasok sa PBB as housemate si BB, muntik na raw niyang sunugin ang PBB house mabuti na lamang dumating si Ms. Malou Santos at pinakalma siya.  Si Rommel naman, inisip daw niyang gimmick o  baka gusto lamang nilang lumakas ang show pero nang magtuluy-tuloy daw hanggang sa nag-out na si BB, nalungkot siya na nawalan sila ng isang kapatid na lalaki pero masaya rin dahil natagpuan na rin ni BB ang sarili niya.

Wala raw namang balak si BB noon na mag-out siya sa PBB, pero nakita niya ang tamang venue, lalo na nang mag-appear iyong mariposa (butterfly) na hindi alam kung saan nanggaling at parang iyon ang naging sign sa kanya.  Sa mga Padilla kasi, may ibig sabihin ang paglabas ng mariposa, kaya nagdesisyon na siyang mag-out at pagkatapos noon, nag-voluntary exit na siya sa PBB. 

May nagtanong kay Robin kung itutuloy pa niya ang pagho-host sa Talentadong Pinoy. Hindi raw niya kayang pagsabayin ang dalawang show dahil gagawin din nila ng anak na si Kylie ang Tatay Kong Hoodlum na siya ang magdidirek para sa kanilang RCP Films. 

 

vuukle comment

ALICE DIXSON

BUT I

LEFT

MALOU SANTOS

PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with