^

Pang Movies

Docu movie ni Pacman nag-premiere sa Hollywood!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

TCL Chinese Theaters ang bagong pangalan ng legendary Grauman’s Chinese Theater sa Hollywood Boulevard.

Ang TCL Chinese Theaters ang venue ng red carpet premiere ng Manny, ang documentary ­movie tungkol sa buhay ni Manny Pacquiao.

Ginanap noong Tuesday night sa TCL Chinese Theaters ang red carpet premiere ng Manny na personal na dinaluhan ni Papa Manny at ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao.

Umapir din sa premiere night ang mga Pinoy at Hollywood stars na mga tagahanga ng Pambansang Kamao.

Nagkita sa red carpet premiere ng Manny si Papa Manny at Kobe Paras, ang US-based son ni Benjie Paras.

Promising NBA player si Kobe na kilalang-kilala ni Papa Manny dahil kaibigan nito si Benjie. Pala­ging present si Benjie sa mga boxing fight ng Pambansang Kamao.

Pacquiao natuhog ang promo ng movie at Miss U

Tatapusin lang ni Papa Manny ang mga commitment niya sa mga produ ng Manny bago siya lumipad sa Florida para sa Miss Universe 2014.

Shooting two birds with one stone ang gagawin ni Papa Manny dahil bukod sa judge siya sa Miss Universe, maipo-promote pa niya ang kanyang do­cumentary movie na showing sa US theaters simula sa January 23.

I-wish natin na maging blockbuster ang Manny sa Amerika dahil karangalan ng mga Pilipino kapag pinilahan doon ang pelikula ni Papa Manny.

Richard at Raymond hindi nakalimot

Ginanap kagabi sa isang bar sa Taguig City ang joint birthday party nina Richard at Raymond Gutierrez.

In fairness sa kambal, hindi nila nakalimutan ang mga kaibigan nila sa entertainment press. Mismong si Richard ang nagsabi na imbitahan ang mga reporter na malapit sa pamilya nila.

Every year, magkasabay na ipinagdiriwang nina Richard at Raymond ang kanilang mga kaarawan. Pumalya lang noong 2014 dahil out of the country si Richard kaya solo na nagdiwang ng birthday si Raymond sa 71 Gramercy.

Kung hindi ako nagkakamali, mas matanda si Richard ng ilang minuto kay Raymond.

Good health at more projects ang mga birthday wish ko para kina Raymond at Richard.

Marlene at Mystica nagamit ang Santo Papa para magpapansin

Mas believable ang hamon ni Marlene Aguilar kay Mystica dahil walang involved na datung.

Gusto lang ni Marlene na magbugbugan sila ni Mystica na walang media coverage at hindi siya mananagot kung may mangyari sa singer na pinatulan ang kanyang dare na magsapakan sila.

Tinalbugan nina Marlene at Mystica ang hindi matuluy-tuloy na boxing fight nina Floyd Mayweather, Jr. at Manny Pacquiao.

Pero wala silang ipinagkaiba kay Miss Mayweather, Jr. na magaling lamang sa dakdak. Puro salita, kulang sa gawa.

Hahanga ako kina Mystica at Marlene kung magsasapakan sila na walang mga kundisyon na hinihingi dahil hanggang may mga demand sila para matuloy ang kanilang laban, isa lang ang ibig sabihin nito, pang-publicity lamang ang mga drama nila.

Bagong produkto ng PLDT nakakaintriga

Naintriga ako sa bagong produkto na ipino-promote ng PLDT, ang FAM CAM, short for family camera.

Parang type ko na mag-avail ng FAM CAM kapag napapanood ko ang TV ad ng PLDT.

Magkakaroon ng presscon ang PLDT para sa kanilang bagong produkto at sure na dadalo ako dahil sa kagustuhan ko na malaman ang additional  benefits ng pagkakaroon ng FAM CAM sa loob ng tahanan.

CHINESE THEATERS

MANNY

MARLENE

MYSTICA

PAPA MANNY

RAYMOND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with