^

Pang Movies

Fifth Dynamics, poging-pogi sa bagong music video

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ilalabas na ng McJim Classic Leather’s Dreams Get Real champion, Fifth Dynamics, ang much-awaited music video ng kanilang chart-breaking single Pogi Kame, featuring Mich Liggayu ng sikat na Youtube duo Jamich.

Ang banda ay kinabibilangan ng dating The Voice of the Philippines contestant at lead singer na si Mark Cordovales, Jhay Santos sa bass, Eljon Nono sa lead guitars, Peter Leyva sa rhythm guitars, at Drin Condat sa drums. Ang Fifth Dynamics ay nakilala simula nung maging patok sa radio at iba’t ibang music channel ang kanilang 2014 single na  Anyare.

Ang masaya at bibong kanta ng banda ay sinulat nina Nirro De Leon at Aldrin Pampolina habang si Jonathan Ong naman ang may areglo nito. Ang  Pogi Kame ay nagpapakita ng tiwala sa sarili ng mga kalalakihan.

Ang official music video naman na ilalabas sa iba’t ibang online music channels sa Enero 15 sa ilalim ng direksyon ni Miguel Tanchancho at produced by McJim Classic Leather.

Feeling pogi ang bida sa music video na ginagampanan ng drummer na si Condat. Nang ipinahiya niya ang isang dilag na mangkukulam pala, ang nakikita na lamang niya ay ang kagandahang loob ng babae imbes na panlabas na kaanyuan. Doon nga’y nakilala niya ang karakter na ginampanan naman ni Mich na ikinagulat ng mga kaibigan ng binata.

Nag-cameo din sa music video ang mga kapwa champion nila sa McJim na sina Neo Domingo at ang vocal trio na JBK.

Ang Fifth Dynamics ay hawak ng public relations expert na si Chris Cahilig. Para sa mga inquiries, mag-email sa [email protected].

 

vuukle comment

ALDRIN PAMPOLINA

ANG FIFTH DYNAMICS

CHRIS CAHILIG

CLASSIC LEATHER

DREAMS GET REAL

DRIN CONDAT

ELJON NONO

FIFTH DYNAMICS

JHAY SANTOS

POGI KAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with