^

Pang Movies

Albie botong-boto kay Bret para kay Andi!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pinatunayan nga ni Albie Casino na wala silang alitan ng nababalitang boyfriend ngayon ni Andi Eigenmann na si Bret Jackson.

Nagbatian ang dalawa sa big press event ng TV5 na Happy Sa 2015 kung saan ni-launch ang mga bagong shows nila sa first quarter of the year.

Sey nga ni Albie na matagal na raw niyang kaibigan si Bret long before na naging sila ni Andi. “I’ve known Bret for such a long time. Kaya mas matimbang pa rin ang friendship namin. Kung sila nga ni Andi, then it’s not my business na makialam pa.

“I’ve moved on and I have other concerns. I just want to say that Bret is my friend and walang awkwardness na nangyayari sa aming dalawa.

“Tsaka napakabait na tao niyang si Bret. I just hope that he’s happy,” diin pa ni Albie.

Starring nga si Albie sa bagong Wattpad Presents ng TV5 na House Full of Hunks kung saan kasama niya sina Jasmine Curtis-Smith, John Spainhour, Charlie Sutcliffe, at Vin Abrenica.

Thankful si Albie sa TV5 dahil naging patient sila sa kanya. Mas priority raw kasi ni Albie ang kanyang pag-aaral kaya minsan ay nagagawa niyang mag-turn down muna ng projects.

“I am already in my 3rd year with my business management course at College of Saint Benilde. Kaya ang hirap nang mag-stop. Sayang naman kasi kung pababayaan ko ang school. Sayang din ang binabayad ko kung hindi ko siya tatapusin.

“Dapat kasi matagal na akong naka-graduate pero na-delay tayo kaya I am working double time with my studies.

“Kaya matagal akong nagkaroon ulit ng show after Confessions of A Torpe because of my hectic schedule with school.

“Naiintindihan naman ako ng TV5 and promise ko naman sa kanila na kapag tapos na ako, I can work with them fulltime,” pagtatapos pa ni Albie Casino.

Kahit laging magkasama

Kim pumiyok, hindi pa raw sila ni Kiko

Kahit na wala pang confirmation kung may relasyon na sila Kim Rodriguez at Kiko Estrada, magbibida na sila sa isang bagong teleserye sa GMA-7.

Marami na kasing fans sila Kim at Kiko na kung tawagin ay KimKo. Dahil nga ito sa pinagsamahan nilang show na Strawberry Lane.

Kapag tinatanong si Kim kung sila na ba ng pa­nga­nay ni Gary Estrada, laging sagot nito ay “best friends” sila.

“Totoo po, best friends pa lang po kami ni Kiko. Kung nakikita nila ang mga photos namin sa Instagram, ‘yun ay dahil very close lang po kami talaga.

“Alam ko po na maraming nagtataas ng kilay sa mga sinasabi ko, pero ‘yun po ang totoo,” sabay tawa pa ni Kim.

Isa nga si Kim sa kinuha ng fashion retail brand na Boardwalk bilang mga bagong endorser nito para sa 2015 collection nila. Mga kasama pa ni Kim sina Janine Gutierrez, Thea Tolentino, Jeric Gonzales, Juancho Trivino, Mike Tan, Sam Pinto, at Alden Richards.

Comedy Films patok sa Oscars

Birdman at Budapest Hotel pinakamaraming nominasyon

Nilabas na nga ang mga official nominees para sa 87th Academy Awards or the Oscars.

Naganap nga ang announcement of nominees sa Samuel Goldwyn Theater in Beverly Hills. Ang Hollywood actor na si Chris Pine at ang film director na si J.J. Abrams ang siyang nag-announce nito sa harap ng international media.

Ang parehong comedy films na Birdman at The Grand Budapest Hotel ang nakakuha ng pinakamaraming nominations. Kapwa sila nakakuha ng nine nominations.

Ang magiging host ng Oscar Awards this year ay ang comedian na si Neil Patrick Harris. Magaganap ito on February 22 sa Dolby Theatre in Los Angeles.

Heto ang list of nominations:

Best Picture: American Sniper; Birdman; Boyhood; The Grand Budapest Hotel; The Imitation Game; Selma; The Theory of Everything; Whiplash

Best Actor: Steve Carell (Foxcatcher); Bradley Cooper (American Sniper); Benedict Cumberbatch (The Imitation Game); Michael Keaton (Birdman); Eddie Redmayne (The Theory of Everything)

Best Actress: Marion Cotillard (Two Days, One Night); Felicity Jones (The Theory of Everything); Julianne Moore (Still Alice); Rosamund Pike (Gone Girl); Reese Wither­spoon (Wild).

Best Supporting Actor: Robert Duvall (The Judge); Ethan Hawke (Boyhood); Edward Norton (Birdman); Mark Ruffalo (Foxcatcher); J.K. Simmons (Whiplash).

Best Supporting Actress: Patricia Arquette (Boyhood); Laura Dern (Wild); Keira Knightley (The Imitation Game); Emma Stone (Birdman); Meryl Streep (Into the Woods).

Best Director: Alejandro González Iñárritu (Birdman); Richard Linklater (Boyhood); Bennett Miller (Foxcatcher); Wes Anderson (The Grand Budapest Hotel); Morten Tyldum (The Imitation Game).

vuukle comment

ALBIE

ALBIE CASINO

GRAND BUDAPEST HOTEL

IMITATION GAME

KUNG

SILA

THEORY OF EVERYTHING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with