^

Pang Movies

LJ at Danica bawal magreklamong pagod na pagod!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Big success ang launch ng TV5 ng kanilang mga bagong shows titled Happy sa 2015 held at the Sampaguita Gardens. 

Simula sa Lunes, January 19, four shows ang mapapanood sa New Morning Block nila.  Daily, magsisimula ito ng 10:00 a.m. ng Healing Galing sa TV nina Dr. Hayden Kho at Dra. Edinell Calvario, na magbibigay ng tips and health advises ang dalawang doctor.

Nakausap naman namin ang dalawang hosts ng Happy Wife, Happy Life na sina LJ Moreno-Alapag at Danica Sotto-Pingris at una naming itinanong sa kanila kung hindi sila nahirapang magpaalam sa kanilang mga sikat na cagers-husbands. Si LJ kasi has just given birth to their first baby ni Jimmy, si Keona Skye last December 6, 2014, may isa pa silang baby, si Maximus, two years old.  Usapan daw lamang nila ni Jimmy, hindi siya uuwi na pagod at magrereklamo.  Bukod kasi sa bagong TV show, may cake business din si LJ na Lollicake Factory at thankful siya dahil palaki nang palaki ang kanyang business.  May offer din daw sa kanyang soap pero sa ngayon, kahit nami-miss na rin niya ang acting, wala na siya talagang time para rito, siguro raw kapag malaki na at pwede na niyang iwanan si Keona.

“Iyon din ang usapan namin ni Marc, na huwag akong magrereklamo na pagod ako dahil sa bago kong show,” sabi ni Danica.  “Kaya bago ako umalis ng bahay, kailangang naka-ready na ang food ng mga anak namin, sina Mic, 6 at Caela, 3.  Hindi na masyadong mahirap alagaan ang mga baby namin, pero sinisiguro ko na bago ako umalis, ayos na ang lahat dahil ayaw kong isipin na may nakalimutan ako habang nagtatrabaho.”

May dalawa pang kasama sina Danica at LJ sa programa, sina RR Enriquez at Jeck Conwi-Maierhofer, at kani-kaniya silang segment sa show na mapapanood at 10:30 a.m. , Mondays to Fridays.

Solved na solved ibang-iba sa face to face

Bubuo rin sa TV5 New Morning Block ang Solved na Solved a public affairs program at personal naming nakausap ang isa sa hosts nito, si Atty. Mel Sta. Maria.

Ayon kay Atty. Mel, magbibigay sila ng practical at legal advices, less sensational and less violence ‘di tulad ng Face to Face.  Isa raw eye-opener ito sa mga manonood dahil marami silang matututunan tuwing umaga, 11:30 a.m., kasama sina Gelli de Belen at Arnell Ignacio.

Kasalang Dongyan idedetalye sa Wedding Special

A red-letter day today hindi lamang sa mga fans ng newlyweds na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, kundi sa mga matagal na ring naghihintay na mapanood  ang Dingdong and Marian Wedding Special. Mamaya mapapanood ang first part nito, ang The Ceremony na ipakikita ang preparation sa paghahanda sa kasal, ang mga taong tumulong kay Dingdong para maibigay ang dream wedding na gusto niya kay Marian.  Mapapanood ito at 8:15 p.m., pagkatapos ng Magpakailanman ni Mel Tiangco na tampok ang mahusay na pagganap ni Jennylyn Mercado sa May Aids ang Asawa Ko katambal si Mark Herras, sa direksyon ni Laurice Guillen, ang director din ni Jennylyn sa pinag-uusapang primetime series ngayon na Second Chances sa GMA 7.

vuukle comment

ARNELL IGNACIO

ASAWA KO

DANICA

DANICA SOTTO-PINGRIS

DINGDONG AND MARIAN WEDDING SPECIAL

DINGDONG DANTES

NEW MORNING BLOCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with