^

Pang Movies

Cristine atat nang manganak

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Excited nga si Cristine Reyes sa kanyang pagiging isang ina. Noong nakaraang January 7 ay pinost niya sa kanyang Instagram (IG) account ang ultrasound image ng kanyang baby girl.

Nasa first trimester nga si Cristine ng kanyang pagbubuntis at hindi nga ito makapaghintay na makita na niya ang anak nila ng kanyang boyfriend na si Ali Khatibi.

Sa pag-post nga niya ng photo ay sinamahan niya ito ng mahabang caption na naglalarawan ng kanyang kaligayan bilang isang expectant mom.

Heto ang caption ni Cristine:

“Profile view of my daughter inside my tummy. I just can’t wait anymore my little angel. You are one of my five most precious treasures in my heart. The five treasures that gives real JOY and MEANING into my life. (week 26, day 5. 13 weeks and 2 days left) #mothertobe #motherhood #pregnant #preggo

“Just want to share something I learned today from the book “365 daily supplements for the heart”. It’s worth the share so forgive the long caption of this post. “Are you full of JOY and not HAPPINESS?”

“Happiness is dependent on happenings. When good things happen, you’re happy. But as soon as bad things happen, you become sad. Joy is deeper because it isn’t dependent on good or bad things happening in our lives. It’s always there no matter what happens.

“Nanggaling lang ang joy sa espiritu ng Dios. Pagod ka pero masaya ang iyong kalooban. Hirap ka dahil kung minsan pinagsasalitaan ka ng masasama. Bagama’t di ka natutuwa sa nangyari, may napaka-lalim kang uri ng kaligayahan because you’re filled with the Holy Spirit.

“Kung full of the Holy Spirit ka, then full of praises ka. “Salamat, may trabaho ako! Salamat, lunes! Salamat at may gagawin akong ganito! Salamat at may nagtitiwala sakin.” Pag ikaw ay full of praises, lalo kang nagiging full of the Holy Spirit.

“Gusto ng Holy Spirit makipisan sa mga taong magagaan. Baliktarin natin yan. Pagod lagi kang reklamo ng reklamo. Umaalis ang Spirit sayo. Kapag-umalis ay lalo kang nagiging reklamador. Kaya cycle yan ng pababa. At kung ang cycle natin ay pababa nang pababa, let’s break the cycle at gawin nating paakyat nang paakyat.

“Iba si Happiness at iba talaga si Joy.”

Inamin nga ni Cristine ang kanyang pagiging buntis noong November 2014.

Direk Laurice hindi kapalit ni Johnny Delgado ang hanap, kakuwentuhan lang

Nagtataka ang award-winning actress at director na si Laurice Guillen kung bakit natatakot sa kanya ang mga artista niya sa teleserye na Second Chances.

Nakarating nga sa lady director na masyado raw siyang strict sa set kaya behave ang mga artista niya kapag dumating na siya sa taping.

“I admit na very strict ako. Masyado akong particular sa lahat from the make-up, costume and how they deliver their lines.

“Trabaho ko iyon as a director for so many years. Nanibago lang ang cast ng Second Chances sa style ko. Sinabi ko naman sa kanila na basta maging maayos lang ang pagtrabaho namin, walang magiging problema.

“So far, since we started taping last year, wala akong na-encounter na problema. Sobrang masunurin ang mga artista ko rito sa Second Chances. Takot yata silang mapagalitan ko,” sabay tawa pa ni Direk Laurice.

Noong nakaraang November 2014 ang ika-limang taong pagyao ng actor-husband ni Direk Laurice na si Johnny Delgado.

Inamin ni Direk Laurice na hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin siya tuwing sasapit ang Pasko at Bagong Taon dahil wala na nga ang tinuring niyang best friend niya.

“I will always miss Johnny. He was not just my husband but he’s also my best friend, my confidante, my critic, my everything.

“Sometimes nga iniisip ko na gusto ko na rin ng second chance—to meet somebody else, but not necessarily na mag-asawa ulit ako.

“Ang hanap ko ay ‘yung makakakuwentuhan ko, yung magiging open tulad ng naging relasyon namin ni Johnny when he was still with us,” pagtatapos pa ni Direk Laurice.

Anak ni Jackie inamin ang paggamit ng marijuana, hindi pa makakalabas ng kulungan

Anim na buwan ngang makukulong ang 32-year-old son ng Asian superstar Jackie Chan na si Jaycee Chan.

Nahulihan si Jaycee ng 100 grams of marijuana sa kanyang bahay at nag-test positive siya for marijuana noong August 2014. Kinasuhan siya ng “crime of sheltering others to take drugs” noong December 2014.

Nahaharap din sa maximum of three years prison sentence si Jaycee at pinagbabayad nga siya ng korte ng 2,000 yuan ($322).

“I have broken the law and should be punished. When I return to society, I will not repeat this because I have let my family and friends down yet again,” sey pa ni Jaycee Chan sa kanyang huling statement sa media.

vuukle comment

ALI KHATIBI

CRISTINE

DIREK LAURICE

HOLY SPIRIT

JAYCEE CHAN

JOHNNY DELGADO

KANYANG

SECOND CHANCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with