^

Pang Movies

Barbie walang pakialam sa sariling pelikula?!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Wala ang bidang si Barbie Forteza sa presscon ng indie film na #ewankosau Saranghaeyo (I lab u) na ginanap last Sunday sa Fisher Mall, Quezon City. Katakut-takot na ang pakiusap ng publicist na si Jun Lalin sa kampo nila na dumalo pero hanggang sa matapos ang presscon ay walang anino ng Kapuso teen star na nakita ang movie press.

Paliwanag ng kapatid na Jun, a month ago ay nagpasabi na raw ang GMA Artist Center na hindi available si Barbie sa scheduled presscon.

“Pero according to the talent coordinator, nag-yes daw ang handler ni Barbie for today’s (Sunday, Jan 11) presscon but after two hours, binawi rin daw,” kuwento ni Jun.

That day, up to the last minute ay pinakikiusapan niya sina Barbie na sumaglit sa presscon kahit 15 minutes lang. Tila may scheduled fans day si Barbie sa Tomas Morato kasabay ng presscon pero pinakikiusapan nga sila na dumaan lang tutal ay hindi naman magkalayo ang venue.

Pero kesyo say pa ng handler, baka harangin pa raw sila ‘pag aalis na sila kahit ilang beses na ngang in-assure sa kanila na paaalisin sila agad.

Importante sa mga artista ang presscon ng kanilang pelikula lalo na para sa mga bida dahil ito ang chance nila na makapag-promote dahil kapag nag-flop ito ay sila rin naman ang maaapektuhan.

Kaya nakakalokang hindi man lang nagawan ng paraan ni Barbie o ng mga namamahala sa career niya na makarating sa presscon.

Maging ang direktor nga ng movie na si Roman Perez ay problemado kung paano niya maipo-promote ang movie dahil magkakahiwalay ng network na kabibilangan ang mga cast.

Ang kapareha ni Barbie sa movie na si Francis Magundayao ay taga-ABS-CBN. Kasama rin sa cast sina Alwyn Uytingco and Mart Escudero na ta­lents ng TV5 at sina Elisse Joson and Jon Lucas na parehong talents ng Star Magic.

Ang #ewankosau Saranghaeyo ay ipalalabas na sa Jan. 21 nationwide at magkakaroon naman ng premiere night sa Jan 18 sa SM North, The Block.

Parents ni Francis Magundayao gumastos para magka-pelikula siya?!

Isa sa producers ng #ewankosau Saranghaeyo ang nanay ni Francis Magundayao. Kuwento ng teen actor, ang original choice talaga para maging leading lady niya ay si Ella Cruz na siyang ka-loveteam niya talaga sa ABS-CBN, pero dahil sa rami ng ginagawa ng young actress, ‘di raw ito pinayagan.

Ang mommy niya ang nag-suggest na si Barbie na lang ang kunin at kuwento ni Francis, nang malaman daw niya ‘yun, sobrang na-flatter siya and at the same time, kinabahan.

“Kasi siyempre po, Barbie Forteza na po ‘yun, sikat na siya, nasa GMA pa lang ako nu’n, sikat na siya nu’n,” say ni Francis.

Hindi makapag-comment ang batang aktor sa hindi pagsipot ni Barbie sa presscon dahil hindi raw niya alam kung ano ang talagang kuwento. Ani­ya ay baka naman daw may reason ang kapareha at ayaw na raw niyang makialam at ipinamamahala na niya sa produksyon ang tungkol dito.

Bakit naisipan ng parents niya ang mag-produce?

“Hindi ko po alam, eh. Pero na­ni­niwala po ako na everything they do is for my own good, so I believe it’s for my career. And gusto po nilang mag-explore nang mag-explore ng more business po, eh,” he said.

vuukle comment

ALWYN UYTINGCO AND MART ESCUDERO

BARBIE

BARBIE FORTEZA

FRANCIS MAGUNDAYAO

JAN

NIYA

PERO

PRESSCON

SARANGHAEYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with