^

Pang Movies

P-Noy hindi puwedeng endorser ng shampoo na ginagamit

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Binanggit pala ni P-Noy sa interview sa kanya ni Vice Ganda ang hair shampoo na ginagamit niya.

Ewan ko lang kung matutuwa ang manufacturer ng shampoo dahil ginagamit ng pangulo ng Pilipinas ang produkto nila.

Hindi credible na shampoo endorser si P-Noy da­hil manipis ang kanyang buhok na kontra sa pra­lala ng manufacturer na nakakapagpakapal ng bu­hok ang kanilang produkto.

Boyet dadalo sa premiere ng Tragic Theater

Ngayong gabi na pala ang red carpet premiere ng Tragic Theater sa Cinema 9 ng SM Megamall.

Hindi ko puwedeng makalimutan ang pre­miere night ng Tragic Theater dahil starring sa pelikula si Christopher De Leon.

Dadalo si Boyet sa red carpet premiere ng Tragic, kasama ang kanyang misis na si Sandy Andolong na getting ready naman para sa taping sa Japan ng Home Sweetie Home, ang sitcom ng ABS CBN.

Gusto ring maka-dinner ni Prince Harry

Laman ng mga balita si Con­gress­man Man­ny Pacquiao dahil sa malaking halaga ng datung na do­nasyon niya para makapagpata­yo ng bahay ang kanyang mga ka­ba­bayan sa Sarangani province kaya naalaala ko ang pralala sa akin ni Bernard Cloma nang mag­kita kami sa kasal nina Ma­rian Rivera at Dingdong Dantes sa Immaculate Conception Cathedral noong December 30.

Ipinagmalaki sa akin ni Bernard na invited si Papa Manny ni Prince Harry ng United Kingdom para sa isang dinner. Hindi kumpleto ang pralala ni Bernard para hindi magtampo si Dyan Castillejo na panay ang tawag sa cellphone niya.

Humihingi raw si Dyan ng mga impormasyon tungkol sa imbitas­yon ni Prince Harry kay Papa Manny.

Idinagdag pa ni Bernard na may kopya siya ng formal invite ni Prince Harry kay Papa Manny pero hindi pa niya puwedeng ilabas.

Kung bakit, tanging siya lamang ang nakakaalam.

In fairness kay Bernard, totoo naman ang karamihan sa mga  pralala niya kaya hindi ko pinagdudahan ang kanyang kuwento tungkol sa kagustuhan ni Prince Harry na maka- join sa dinner si Papa Manny.

Researcher ng Startalk naki-level kay Christian

Sosyal ang Startalk researcher na si Malou Tibayan dahil nagbabakasyon siya sa London at napanood pa niya noong Lunes ang Miss Saigon. Ka-level na ni Malou si Christian Bautista dahil nagkasabay sila sa panonood ng Miss Saigon at ang litrato na magkasama ang da­lawa ang ebidensya.

Si Malou ang magpapatunay na tinupad ni Christian ang promise nito kay Rachelle Ann Go na panonoorin niya ang Miss Saigon. May nakaraan sina Christian at Rachelle kaya komportable sila sa isa’t isa pero huwag tayong mag-expect na magkakaroon ng Part 2 ang kanilang relasyon dahil iba na ang priorities nila.

Coco tuwing 3:00 a.m. kung magsimba sa Quiapo

Ikinuwento ni Coco Martin na nagsisimba siya sa Quiapo Church tuwing pista ng Mahal na Nazareno

Sinabi ni Coco na  nagpupunta siya sa Quiapo Church tuwing alas-tres nang madaling-araw.

Pista ng Mahal na Nazareno sa Biyernes kaya sinabi ng fans ni Coco na aabangan nila ang pagsisimba ng kanilang idolo.

Titiyakin daw nila na mag-aabang sila sa simbahan bago pumatak ang 3 a.m. para hindi makalampas sa kanila ang pagdating ni Coco.

vuukle comment

BERNARD CLOMA

MISS SAIGON

PAPA MANNY

PRINCE HARRY

QUIAPO CHURCH

SHY

TRAGIC THEATER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with