^

Pang Movies

MTRCB tinututukan ang tragic theater

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nabigyan nga ng X-rating ng dalawang beses ang original trailer ng horror film ni Direk Tikoy Aguiluz na Tragic Theater..

Ayon nga raw sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) na “too scary” raw for public exhibition ang naturang trailer nito.

“Mabuti na lang hindi ako producer ng pelikula, so ‘yung mga problemang ganyan kaya na siguro ng Viva Films i-handle ‘yan.

“Yung sa akin lang, first reaction ko nag-react ako sa Facebook last December 10 and 11. Natural yun, eh.

“Nagreklamo ako, ‘Ba’t gano’n? Horror ito’” sey pa ni Direk Tikoy.

Heto nga ang pinost ng award-winning film director sa kanyang Facebook account:

“Can’t believe they gave an x rating twice to a trailer for a horror film: too scary was the verdict. Akala ko ba horror film ito?”

Nakilala nga si Direk Tikoy sa kanyang mga critically acclaimed films tulad ng Balweg: The Rebel Priest, Segurista at Rizal Sa Dapitan. Gayundin sa kanyang mga bold and sexy movies na Boatman, Tatsulok, Segurista at Biyaheng Langit.

Ayon pa kay direk ay inayos na raw ng Viva Films ang problemang ito with MTRCB.

“Viva na ang nag-ayos. And from what I’ve seen, hindi naman malayo sa original na cut ko ‘yung bagong trailer na umeere ngayon.”

Ang Tragic Theater ay tungkol sa isang grupo ng spirit communicators na nag-attempt na i-exorcise ang Manila Film Center noong 1999.

Marami nga ang namatay at balitang may mga nabaon na buhay na mga construction workers noong mag-collapse ang naturang film theatre noong 1981 dahil sa pagmamadaling matapos ito para sa Manila International Film Festival.

Hindi na nga raw tinuloy ang mahabang rescue at tinabunan na lang daw ng semento ang mga buhay pang mga manggagawa. Ang mga ito nga raw ang nagmumulto sa Manila Film Center magpahanggang ngayon.

Mga bida nga rito ay sina Andi Eigenmann, John Estrada at Christopher de Leon. Base nga ito sa librong sinulat ni Gilbert Colonel.

“I was in college then. I remember one or two days after the accident, there is a big headline story. For two days it was on the front page, and then on the third and fourth day it was totally gone.

“There was this talk that there was a cover-up. So I decided to write a book about it,” pagtatapos pa ni Colonel.

Sa January 8, 2015 na nga showing ang Tragic Theater.

Sexy starlet inaahas ang BF ng TV host

May nagparating sa isang female TV host na may isang sexy starlet na gustong umeeksena sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Ayaw ngang ma-stress o mag-alala si female TV host sa nakarating sa kanya, pero sinabi nga sa kanya na nasa sistema na raw ng starlet na ito ang mang-akit ng lalake na pag-aari ng ibang babae.

Nagkasama nga raw kasi ang starlet at ang non-showbiz boyfriend ni female TV host sa isang event sa labas ng Metro Manila. Punong-abala ang non-showbiz boyfriend sa naturang event kung saan isa sa mga guest ay ang sexy starlet.

Ayon sa isang source na close kay female TV host ay panay ang titig ng sexy starlet sa bf nito. Paano naman, eh bukod sa guwapo at macho, magaling pang makipag-usap at parating nakangiti.

Kaya ang sexy starlet ay nakaramdam na naman ng pangangati sa katawan at hindi napigilan ang sarili at lumapit sa bf ni female TV host at nakipagkilala.

 “Nasabi nga ng lalake na girlfriend niya si (name ng female TV host) at ang chika ng sexy starlet ay kilala raw niya ito. Kaya ‘yun na ang kanyang style. Habang kausap niya si lalake, panay ang hawak nito sa kung saan-saang parte ng lalake. As in naglulumandi na talaga,” sey ng source namin.

At hindi pa nga natatapos doon ang pagiging babaeng higad ni sexy starlet, nagiging babaeng ahas din siya dahil balak niyang imbitahan ang non-showbiz boyfriend ni female TV host na mag-dinner sila at pumunta sa isang bar na alam niya.

Nataon namang wala ang female TV actress sa bansa. Pero natatanggap naman daw nito ang mga text messages at emails tungkol sa ginagawang paglandi ng sexy starlet sa kanyang boyfriend.

Pero tiwala naman si female TV host sa kanyang boyfriend dahil dumaan na nga sila sa ilang pagsubok. Kaya alam niyang hindi bibigay ang kanyang boyfriend sa maitim na majika ng makating sexy starlet.

Wala siyang balak na sugurin ito, pero padadalhan niya ng mga Bible verses ang sexy starlet para makunsensya ito sa kanyang pagiging babaeng ahas niya.

 

vuukle comment

AYON

FEMALE

HOST

KANYANG

SEXY

STARLET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with