Kubot ni Dingdong halos P80-M ang nagastos Feng Shui 2 nina Kris at Coco kauna-unahang 4D Pinoy film
Maligayang Pasko sa lahat!
Today ang opening ng walong pelikulang kasali sa 40th Metro Manila Film Festival (MMFF). Ang walong maglalaban-laban sa takilya ay ang The Amazing Praybeyt Benjamin, My Big Bossing, Feng Shui 2, English Only, Please, Shake, Rattle & Roll XV, Kubot: The Aswang Chronicles 2, at Muslim Magnum 357.
Sa walo, of course, hinuhulaan nang nasa top 3 ang The Amazing Praybeyt Benjamin, Feng Shui 2, at My Big Bossing since may mga track record lahat sa pagiging number one sa takilya sina Vice Ganda, Vic Sotto, at Kris Aquino.
Kung pagbabasehan ang trailer, pinakagusto namin ang English Only, Please nina Derek Ramsay and Jennylyn Mercado, pangalawa ang Feng Shui 2 at pangatlo ang Kubot: The Aswang Chronicles.
Kung pagbabasehan naman ang budget, halatang ang may pinakamalaking nagastos ay ang Kubot dahil sa makabagong special effects nito na talaga namang napakamahal. Ayon nga sa isa sa producers na si Dondon Monteverde, roughly ay naka-P70-80-M sila sa pelikulang ito.
Ang lamang naman ng Feng Shui 2, ipalalabas ito sa 4D sa SM Mall of Asia at ito raw ang first Filipino film to be rendered in 4D. Isa pang bago sa pelikula ay ngayon lang natin makikita si Coco Martin in a horror film. Nasanay na kasi tayo sa kanya sa mga heavy drama roles niya kung saan naman siya talaga nag-i-excel and this time, makikita naman natin siya sa ibang genre.
Nag-iisa naman at walang katulad ang genre ng English Only, Please dahil ito lang ang rom-com sa walo at bagong putahe rin ang tambalang Derek-Jennylyn.
Good luck sa walong entries at sana’y mahigitan ng MMFF ang kinita ng lahat ng pelikula last year.
Bossing Vic ibinunyag ang lihim ng pagiging bata ang hitsura at pakiramdam
Natutuwa naman si Bossing Vic na kahit 60 years old na siya, marami pa ring napagkakamalan siyang kuwarenta lang. Biro nga niya, hindi naman daw talaga nagkakalayo ang hitsura nila ng girlfriend na si Pauleen Luna.
“O, aminin! Ganu’n lang ‘yun, eh. It’s the company that you keep. Mga dabarkads ko may mga edad, sina Joey (de Leon), sina Tito (Sotto),” say pa niya.
Pero seriously, aniya, siguro raw marahil ay dahil na rin sa lifestyle.
“Alam n’yo naman ako, si relax lang, eh. Enjoy lang sa lahat ng ginagawa ko, mapa-telebisyon, mapa-pelikula, kailangang enjoy lang. ‘Yun lang ang maise-share kong tip sa inyo. Huwag n’yong masyadong problemahin ang problema. Lahat ng problema, may solusyon. Hayaan n’yo siyang mag-solve ng sarili niya. Sigurado ‘yun basta may tiwala ka lang sa Panginoon,” pahayag pa ni Bossing.
Pero aminado siyang nag-i-enjoy siya sa kanyang mga discount sa senior citizen card.
“Sa mga gamut-gamot, sa mga restaurants. Nanonood nga ako ng sine, sa Makati na,” natatawa niyang sagot. Libre kasi ang mga senior citizen sa sinehan sa nasabing siyudad.
Pati raw sa parking ay libre ang senior citizens. Pati sa mga pila sa linya, priority raw sila.
“Pati sa immigration. Ayos din, eh. Masarap din. Inggit na inggit nga sa akin si Allan K, eh. Mas matanda ako nang kaunti du’n, eh, although mas matanda siyang tingnan sa akin (laughed). Sabi niya, ‘buti ka pa, may senior card ka na,’” kuwento ni Bossing.
Ngayong Kapaskuhan, tulad ng dati ay kasama lang naman daw niya ang pamilya.
“’Yung midnight mass, walang paltos ‘yun, eh. And noche buena with the family, with the kids, kung sinuman ang nandito. ‘Yung iba kasi, nasa probinsiya. ‘Yung dalawa kasing anak ko, may mga pamilya na, so may sari-sarili nang plano ‘yun.
“But Christmas day, kaming magkakapatid, kasama ang buong pamilya, we spend Christmas dinner together. Simple lang. Parati namang simple. Ang bongga kasi, nasa pelikula. Simple lang ang Pasko namin,” he said.
- Latest