Mabagal na raw kumilos, Mylene idinadaing na ang pagiging 40
One year na pala ang relasyon ni Mylene Dizon kay Jason Webb.
Pero wala pa raw magaganap na kasal sa kanilang dalawa.
Ayon kay Mylene ay okey naman daw ang takbo ng relasyon nila. Kung ikakasal daw sila, mangyayari na lang daw iyon.
Wala rin daw problema si Jason sa mga anak ni Mylene kay Paolo Paraiso na sina Thomas at Luke. Gusto raw ng mga bagets si Jason.
“My kids like him. Nagkaroon na kasi sila ng bonding.
“Kahit naman ako, okey ako sa daughter ni Jason. Para na rin kaming malaking pamilya,” ngiti pa niya.
Kaka-turn 40 lang ni Mylene at nagkuwento ito na ramdam na raw niya ang maging kuwarenta.
“Ang bagal ko nang kumilos. Dati ang bilis kong gumalaw. Bigyan mo lang ako ng five minutes, nakaligo na ako at nakapagbihis na. Ngayon, slow motion na!” tawa pa niya.
Tinutukso si Mylene na isa na siyang cougar.
“Hindi pa naman ako cougar. Puma pa lang naman ako!” tawa niya ulit.
Nagbabalik si Mylene sa bakuran ng GMA-7 via the new primetime teleserye Once Upon a Kiss. Kontrabida siya kay Bianca Umali dahil hindi niya ito gusto para sa kanyang anak na si Miguel Tanfelix.
Huling teleserye na ginawa ni Mylene sa Kapuso network ang Dyesebel noong 2009.
“Tayo naman, kung saan may trabaho ay doon tayo. Hindi ko kailangan maging choosy at ang lalaki na ng mga anak ko. Lumalaki rin ang gastos.
“Kaya since wala naman akong sinisimulan pa with ABS-CBN 2 after Ikaw Lamang Book 2, tinanggap ko itong offer ng GMA-7,” pagtatapos pa ni Mylene Dizon.
Ryzza Mae gusto nANg mini grocery para hindi na raw sila mahirapang magkakapatid maghanap ng makukutkot
Sari-sari store ang gustong negosyo ni Ryzza Mae Dizon kapag nakaipon na raw siya ng maraming pera.
Nasanay daw kasi si Ryzza na tumao noon sa kanilang sari-sari store noong hindi pa siya sumasali sa Little Miss Philippines.
Kaya naman natuto raw siyang manukli at ang tawag nga sa kanya ay Aleng Maliit.
“Kung hindi po sari-sari store, maliit pong grocery para maraming pagkain,” sabay tawa pa niya.
“Mahilig po kaming kumain ng mga kapatid ko. Kapag may grocery na kami, hindi na kami mahirapan maghanap ng pagkain.”
Wala raw chance na makapagbakasyon si Ryzza ngayong Pasko dahil ayon sa kanya ay “very busy” siya.
“Meron po akong pelikula na My Big Bossing, tapos flower girl po ako sa kasal nila Kuya Dingdong (Dantes) at Ate Marian (Rivera). Kaya very busy po ako,” diin pa niya.
Wala pa nga raw nabibiling regalo si Ryzza para sa kanyang sarili. Makakabili lang daw siya kapag hindi na raw siya masyadong busy.
Cameron Diaz pakakasalan na ng rocker-boyfriend
Kumpirmado ngang engaged na ang Hollywood actress na si Cameron Diaz sa kanyang rocker-boyfriend na si Benji Madden.
Seven months pa lang ang relasyon ng 42-year-old actress sa member ng bandang Good Charlotte at kakambal ng mister ni Nicole Richie na si Joel Madden.
Na-link romantically si Cameron kina Justin Timberlake at Alex Rodriguez. Pero si Madden lang daw ang nag-propose sa kanya.
“Everyone thinks it’s wild but are so happy for them. Benji always tends to fall in love easily, but this time it’s for real and he landed a great girl. They obviously both make each other incredibly happy and there’s nothing better than that,” sey pa ng isang source ng US Weekly magazine.
Happy si Nicole Richie sa magiging future sister-in-law niyang si Cameron. Siya kasi ang gumawa ng paraan para magkakilala sina Cameron at Benji.
“I approve of anything that’s going to make Benji happy. I’m going to take responsibility for everything!” sey pa ni Nicole.
- Latest