Valerie gustong tulungan ang mga ‘tribo’ sa malalayong probinsya
Kahit hindi nagwagi ang ating Miss Philippines sa Miss World 2014 na si Valerie Weigmann, nagpasalamat ito sa mga sumuporta sa kanya Facebook page.
Nakasama sa Top 25 si Valerie out of 121 candidates from all over world. Nagwagi ng Miss World ay si Miss South Africa Rolene Strauss.
Heto ang mensahe ni Valerie:
“Dear ‘Everyone who’s been there throughout this amazing journey’ (yes, You!), Thank You for all the Warm, Supportive, sometimes Outrageous, sometimes Hilarious, but always Sincere, Comments and Messages. I just want to share my excitement and gratitude for your continuous and unwavering support! It feels so great to be here with all of You, my ever supportive countrymen, who, spread all over the world, keep cheering and believing in us.”
Nilagyan pa ito ni Valerie ng hash tags #missworld, #parasapilipinas, #musikaramay and #valeriemw2014.
Pag-uwi ni Valerie sa Pilipinas, ang kanyang advocacy na Musikaramay ang kanyang haharapin. Pagsasama-sama ito ng iba’t ibang banda na tumutulong sa mga fund-raising activities para sa maka-create ng awareness tungkol sa mga indigenous people sa mga remote provinces.
Ito ang naging advocacy ni Valerie kung bakit napasama siya sa Top 10 ng Beauty with a Purpose Challenge sa Miss World.
Lotlot bihira nang makita ang anak na si Janine
Hindi na worried si Lotlot de Leon sa career ng kanyang anak na si Janine Gutierrez dahil nakikita niyang maganda ang tinatakbo nito.
Bukod sa may hit teleserye ito na More Than Words, sunud-sunod ang pagiging cover girl nito sa mga magazines.
Deserve naman daw ng kanyang anak ang mga natatanggap nitong blessings dahil sobrang masipag daw ito. Sa sobrang busy nga raw ni Janine ay bihira na rin silang magkita sa bahay.
Busy din si Lotlot sa teleserye na Hiram na Alaala at ngayon ay sa promotion naman ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Kubot: The Aswang Chronicles 2.
“Nakakatuwa! Dahil bilang pinaghirapan ko din ang pagsisimula ng anak ko at ginabayan ko talaga nang bonggang-bongga.
“Kaya siyempre, kung anuman ‘yung na-achieve ni Janine o kung anuman ang meron si Janine ngayon, nakakatuwa. Nakaka-proud. And ang pinakamaganda dun, I think si Janine kasi, her heart is really in it already.
“Kumbaga, nung una... kasi siguro tinitingnan niya if this is really the career that she wants. Ngayon sure na sure na siya. I can always see her smiling and very happy siya sa mga trabaho niya,” diin pa ni Lotlot.
Sa 2015 ay three months makikitang cover girl si Janine.
“January, February, March, magkakasunod. Meron siyang pictorial na lalabas na sobrang ganda, bonggang-bongga! Kaya abangan nila iyon dahil kakaibang Janine ang makikita nila,” pagtatapos pa ni Lotlot de Leon.
Beverly Johnson nagreklamo na rin, inihulog daw sa hagdan ni Bill Cosby nang hindi siya nagalaw nito
Nagsalita na rin ang 70’s supermodel at unang black model na maging cover girl ng Vogue na si Beverly Johnson tungkol sa ginawang pagdroga sa kanya ng comedian na si Bill Cosby.
Claim nga ng 62-year old supermodel na naganap ang pagbigay ng droga sa kanya ni Cosby noong papuntahin siya sa New York City brownstone apartment nito para mag-rehearse sila para sa isang episode ng The Cosby Show noong 1984.
Inalok nga raw siyang uminom ng cappuccino ni Cosby at doon na raw niya naramdaman ang pagkahilo.
“When I took my first sip, the room started to spin a little, right away. It felt like a moving train… At that moment, I knew, I had been drugged.
“I remember that he motioned to me to come over like we were gonna rehearse the scene. I went over, he put his hands on my waist. I put one hand on his shoulder to steady myself at this moment, and I cocked my head to one side and looked him dead in the eye and said, ‘You’re a mother f---er.’ I kept saying it. Louder and louder and louder.
“I recall his seething anger at my tirade and then him grabbing me by my left arm hard and yanking all 110 pounds of me down a bunch of stairs. I feared my neck was going to break with the force he was using to pull me down their stairs.”
Dahil hindi nga nagawa ni Cosby ang balak niya kay Beverly dahil nanlaban ito, isinakay na lang daw siya sa taxi at pinauwi na lang.
“After that I said, ‘Did I just call Bill Cosby a ‘motherf---er?’ That just shows you the culture of women and the violence towards women and us always blaming ourselves.
“The next thing I remember is waking up the next day and thinking ‘Was that a dream or did that really happen?’ The drugs were there but I felt such a loss. It was like I lost a family member. I felt such a sense of disappointment. I was devastated. I didn’t really know what happened. I was numb.
“It’s just indicative of the fact that I was the one who wasn’t raped, I don’t think, but who has had the experience that a lot of other women had. I’m coming forward just to tell the truth,” pagtatapos pa ni Beverly Johnson.
Umabot na sa benteng kababaihan na ang nagbigay ng kanilang kuwento sa pagdodroga at panghahalay sa kanila ni Bill Cosby.
- Latest