Debut album ni Kathryn, naka-gold record sa loob ng isang araw!
MANILA, Philippines – Damang-dama ang mainit na suporta ng fans ng Teen Queen na si Kathryn Bernardo dahil sa unang araw pa lamang ng commercial release ng kanyang debut album ay natamo na nito ang gold record status matapos mabili ang mahigit 7,500 kopya ng CD.
Iginawad ang gold record award sa ASAP 19 noong Linggo (Disyembre 14), kung saan nakasama niyang magpasalamat sa fans ang ka-love team at kapwa recording star sa Star Music na si Teen King Daniel Padilla.
Tampok sa album ni Kathryn ang easy-listening, feel-good tracks gaya ng kanyang bersyon ng Mr. DJ ni Sharon Cuneta, Crush ng Bayan ni Cris Villongco, at Love Has Come My Way ni Heart Evangelista. Kabilang naman sa original tracks ang Na Sa ‘Yo Din Pala, Ikaw Na Nga Yata, K Tnx Bye, Temporary Deja Vu, at ang carrier single ng album na You Don’t Know Me na komposisyon ng singer-songwriter na si Marion Aunor. Lahat ng walong tracks ay may minus one versions sa album. Samantala, bahagi rin ng debut album ni Kathryn ang Teen King Daniel Padilla. Kasama sa bonus tracklist ang bersyon ng Teen Queen ng Pagdating ng Panahon at ang sikat na KathNiel duet performances ng Got to Believe in Magic at PINASmile (ABS-CBN 2014 Summer Station ID).
Ang self-titled debut album ni Kathryn ay mabibili pa rin sa record bars nationwide sa halagang P199 lamang. Maaari na ring madownload ang digital tracks sa pamamagitan ng online music stores katulad ng iTunes, Mymusicstore.com.ph, at Starmusic.ph.
- Latest