Talentadong Pinoy 2014 Grand Winner pang-world class ang ginawang beatbox performance
Marami ang nag-akala na winner na ang performance ng BMG Wheelchair Dancesport sa pangunguna ni Julius Oberon nang sumalang sila bilang isa sa Ultimate seven Hall of Famers ng Talentadong Pinoy grand finals na napanood last Saturday sa TV5.
Maging ang performance ni Amaya (Amaya Isabel Gonzalez) sa kanyang aerial hoops routine at pole dancing na lumambitin pa sa ere na pasado sa nabusog na paningin ni Ms. Cherie Gil ay alam ang hirap na ginawa ni Amaya. Bilib din ang ibang talent scouts na sina Pilita Corrales, Jaya, Jasmine Smith Curtis, Richard Gutierrez, at Charice Pempengco dahil poetic at sensual ang performance ni Amaya.
Pasado rin ang Tazmania, Miztiq (Lariza Jane Cabaltierra), Bonfire (Florendo at Joseph Mayo, at Escapade Blazing Color Guards. Pero ang mas nagpaugong at nagpatayo ng audience ay ang performance ni Niel Ray Garcia o Neo sa kanyang beatbox performance. Bilib na bilib si Charice dahil marami na raw siyang napanood sa YouTube pero the best ang performance ni Neo na nag-produce ng walong tunog kaya siya ang itinanghal na Ultimate winner ng Talentadong Pinoy 2014. Pati nga ang anak ni Robin Padilla na si Camille Orosa na nanood ay napasayaw din dahil sa husay ni Neo sa kanyang performance. Lahat ng talent scouts ay parehong nagsabing pang world class ang galing ni Neo. Blown away naman si Cherie Gil at wish ng actress na kasama niya ang anak niya para nakita ang unique na beatbox performance ni Neo.
Siyempre pa, saludo rin sina Robin Padilla, Mariel Rodriguez, at Tuesday Vargas na proud sa pagkapanalo ni Neo sa katatapos na Talentadong Pinoy ngayong taon ng Kapatid Network.
- Latest