^

Pang Movies

Julie Anne paandar ang pagtugtog ng iba’t ibang musical instruments

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Congratulations to Julie Anne San Jose for the success of her first major concert sa Mall of Asia Arena (MOA) last Saturday evening despite the rains and the traffic, ang Hologram. Nag-enjoy ang mga fans dahil hindi lamang husay sa pagkanta kundi sa pagsayaw at pagtugtog din ng iba’t ibang musical instruments ang ipinamalas ng dalaga. Na-amaze ang mga manonood na habang kumakanta si Julie Anne dahil may ilang Julie Anne na naka-hologram ang tumutugtog ng musical instruments. Si Julie Anne ang kauna-unahang concert artist sa bansa na gumamit ng hologram technology. Hindi rin naman nagpahuli sa pagkanta ang mga guests ni Julie Anne na sina Christian Bautista, Sam Concepcion, at Abra na nagpakilig sa mga fans. Isang Sharon Cuneta song medley ang inawit nina Julie Anne at guests na sina Jonalyn Viray at Frencheska Farr. Emosyonal si Julie Anne nang magpasalamat sa mga fans na sumuporta sa kanya at sinabing hindi siya nakikipagkumpetensiya sa iba, gusto lamang niyang kumanta at mag-perform sa harap ng maraming tao.

Sinuportahan ang concert ng mga GMA Exe­cutives, sina Bela Padilla, Diva Montelaba, Jeric Gonzales, Phytos Ramirez, Jak Roberto, Empress Shuck, at ang Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, kasama ang mama at stepfather niya.

Bago pumunta sa concert, tinanggap muna ni Marian ang Favorite Actress award mula sa OFW Gawad Parangal 2014 kaugnay ng kanilang International Migrant’s Day. Pero hindi na tinapos nina Marian at Dingdong ang concert dahil maaga ang flight nila noong Sunday morning. Si Dingdong, sa Cebu pumunta to promote Kubot: The Aswang Chronicles 2 with Isa­belle Daza at si Marian naman lumipad pa-Dipolog for a show sa Dakak Park & Beach Resort, Dapitan City. It seems hindi pa rin makapagpapahinga ang Royal Couple dahil everyday may mga event pa rin silang pinupuntahan.

Lotlot ‘nakabatuhan’ si Joey

“Mahadera” kung i-describe ni Lotlot de Leon ang role niya bilang kapatid ni Dingdong Dantes sa horror-comedy-adventure movie nilang Kubot: The Aswang Chronicles 2 na entry ng GMA Films, Agosto Dos, at Reality Entertainment sa 40th Metro Manila Film Festival (MMFF) simu­la sa December 25, sa direksyon ni Erik Matti. Nag-comedy si Lotlot sa movie, a breaker mula sa mga crying scenes na ginagawa niya sa soap nilang Hiram na Alaala. Ang kabatuhan niya ng mga nakatatawang linya si Joey Marquez.

Kumusta namang katrabaho si Dingdong? “Masaya, mabait, magaang katrabaho tulad din ng una ko siyang nakasama sa Dyesebel hindi pa sila ni Yan Yan (Marian Ri­vera) noon,” sagot ni Lotlot. “I’m really happy for them, kasi nu’ng sa Dyesebel, lagi ko na silang binibiro, kaya masaya ako na ang ending, sila rin pala. I’m really happy for them, they are really a perfect match, they complement each other. Dumalaw nga minsan sa shooting namin si Yan Yan may dala siyang sangkatutak na pizza. Pini­pilit niyang kunin ko raw iyong isang buong box, kainin ko raw. For Dingdong and Marian, I wish them a healthy baby, the soonest. I can’t wait to see their coming child, I’m sure he or she will be perfect.

“Huwag ninyong i-miss ang aming movie, dahil mapapanood ninyo si Yan Yan bago matapos ang Kubot: The Aswang Chronicles 2.

AGOSTO DOS

ASWANG CHRONICLES

DINGDONG DANTES

JULIE ANNE

KUBOT

LOTLOT

ROYAL COUPLE

YAN YAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with