‘Manliligaw‘ ni Rachelle Ann bakla raw!
Natawa rin kami doon sa kumalat na balita sa Internet na nagsasabing isang kasamahan ni Rachelle Ann Go sa Miss Saigon ang diumano ay nanliligaw sa kanya. Mas natawa kami doon sa comment ni Rachelle sa balita kung saan sinabi niyang “baka magalit sa akin ang boyfriend.”
Meaning ang lalaking iyon na itsinismis sa kanya ay gay pala at alam niyang may boyfriend.
Ganyan naman talaga ang mga balitang nakikita ninyo sa Internet, at minsan magtataka kayo kung bakit may mga nakakalusot na balita na nakakapasok pa sa mga lehitimong news sites, ganoong hindi naman daw sila ang naglalabas noon. Actually hindi kami masyadong techie kaya hindi namin alam ang mga sistemang ginagamit ng iba para makapag-post sa hindi naman nila websites.
Ang masasabi lang namin diyan, hindi lahat ng nakikita sa Internet ay totoo. Mas makasisiguro pa rin kayo sa lehitimong media kagaya ng diyaryo, radio o telebisyon.
Male star nagtitimpi lang sa network para mabigyan ng trabaho
Sabi ng isa naming source, pa-good boy lang daw talaga ang isang male star pero sa totoo lang ay gusto na ring magrebelde sa kanyang home network.
Natural lang iyan basta gutom na ang isang artista, lalo na kung matagal nang walang trabaho.
Matapos ikasal sa huwes, garden wedding nina Chito at Neri may ‘problema’
Actually nagtataka rin kami sa mga usapang naririnig namin, na ang komedyante raw na si Ramon Bautista ang siyang nag-officiate ng garden wedding nina Chito Miranda at Neri Naig. Hindi rin naman maliwanag sa amin kung ang komedyante nga ang tinutukoy na Ramon Bautista roon, o baka naman may ibang Ramon Bautista, kasi common naman ang pangalang iyon. O baka naman kamukha lang talaga.
Actually, ang mayroong kaparangyarihan, o sabihin nating karapatang magkasal ay mga pari, pastor, o mga ministro ng anumang simbahang pinahihintulutan ng batas. Hindi lahat ng pari, pastor, o ministro ay may karapatang magkasal. Iyon ang dahilan kung bakit sa maraming mga Born Again ceremonies, hinihingi muna nilang magpakasal sa sibil bago sila magkasal. Lumalabas na ang legal na kasal ay iyong sibil at iyong kanilang kasal sa kanilang fellowship ay confirmation lamang para sa kanilang fellowship o community.
Ang isa pang sinasabi, valid ang isang “religious wedding” kung kahit isa lang sa kanila ay miyembro ng iglesia ng ministrong nagkasal sa kanila. Kung hindi, walang bisa ang kasal. Hindi maliwanag sa amin kung anong iglesia ba ang kinaaaniban nina Chito at Neri.
Pero buhay nila iyan eh, at wala tayong pakialam kung ano ginawa nilang pagpapakasal.
- Latest