Yasmien gugulatin ang ama sa Kuwait
MANILA, Philippines – Binisita namin ang set ng Yagit sa isang barangay sa Pandacan sa Maynila noong isang tanghali. Dinatnan namin si Yasmien Kurdi at Bettina Carlos kasama si James Blanco na kinukunan ng mahahalagang eksena sa ilalim ng mainit na araw ng December. Kaya matapos ang eksenang iyun ay niyaya kami ni Yasmien sa tent nila kung saan kasama niya sina Bettina, LJ Reyes, at Ina Feleo na anak ni Direk Laurice Guillen.
Puspusan at walang reklamo si Yasmien kahit may kaunting karamdaman para matapos lahat ang mga eksena nila bago mag-Christmas break.
Nakatakda palang bumiyahe si Yasmien kasama ang pamilya para mabisita ang amang nasa Kuwait. Sorpresa daw ang pagdalaw ni Yasmien sa ama at kakuntsaba niya ang mga tiyahin niya roon. Kay Yasmien lang pala may apo ang ama at kaya first silang magkikitang mag-lolo. Doon na raw magpa-Pasko si Yasmien at sa Dubai naman daw sila magnu-New Year. Sabi sa amin na may countdown for the New Year ang GMA sa Dubai at dapat sumali siya roon.
Matiyagang naghintay sa taping JC sinalisihan si Renz kay LJ!
Nang makita namin si LJ sa tent ay biniro namin ito sa napabalitang may ugnayan na sila ni JC de Vera na dating Kapuso actor na nasa ABS-CBN na ngayon. Idinenay niya ito although sinabi lang niya na nagkasama sila one time with friends, isang gabi. Pero nu’ng araw na iyon na binisita namin siya sa set ng Yagit ay dinalaw at sinundo siya ni JC sa taping huh.
Matiyagang naghintay si JC hanggang matapos ang taping bago sabay na silang umalis ng ex ni Paulo Avelino. Alam kaya ito ng kasamahan niya sa Yagit na si Renz Fernandez na very vocal sa pagtingin niya kay LJ? Noong araw na ‘yun ay wala si Renz sa taping kaya malayang nandun si JC de Vera. Talbog !!!
Pinakamatandang batang ‘yagit’ marunong mag-impok
Nakatsikahan din namin sa set ang pinakamatandang bagets sa Yagit na si Jemwell Ventinilla.
Naloka kami sa mga sagot niya sa tanong namin na parang matanda ang kausap namin. Hindi siya hinimok ng ina para mag-artista at kusa siyang nagpa-audition at nagbakasakaling makuha bilang isa sa mga batang yagit. Sinuwerte naman at nakuha niya ang role ni Tom-Tom. Habang nag-aartista si Jemwell ay pilit pa rin niyang itinutuloy ang kanyang pag-aaral sa normal na paraan. Hindi raw niya kayang mag-home study sa mahal ng tuition. Iniipon na lang daw niya ang TF niya at tumutulong sa mga gastusin at pangangailangan sa bahay nila. Hindi naman daw siya breadwinner at lahat daw sila ay nagtatrabaho. Kaya normal na nagagawa niya ang gusto niya.
Base sa mga nakausap namin sa set ay wala raw problema sa mga bata at nagagawa daw naman ng mga ito ang role na ibinigay sa kanila. Kaya walang stress si Direk Gina Alajar sa set ng Yagit na mukhang tatagal pa sa ere dahil extended ito sa magandang ratings na natatanggap nila gaya ng The Half Sisters.
GMA bosses na-miss sa party for the press
Isa na namang tagumpay ang Christmas Party for the Press ng GMA 7 na aming nadaluhan. Ito ‘yung annual christmas party ng GMA-7 for the press. Hindi man natuloy ang party last year dahil imbes na gumastos ay nag-donate na lang ang GMA para sa mga nasalanta ng Yolanda, bumawi sila this year at sa tulong ng maraming artista ay very successful ang party. Marami silang ipinamahaging cash at ilang appliances.
Nag-enjoy kami sa mga games at sayawan habang pinapanood sila mula sa aming kinauupuan. Na-miss lang namin ang mga Big Bosses ng GMA Network na laging present sa mga press Christmas Party na nagbibigay ng mensahe. Gayun pa man ay ramdam namin ang pagpapahalaga nila sa entertainment press na laging tumutulong sa ikatatagumpay ng mga programa nila.
- Latest