^

Pang Movies

Game show ni Tom tsugi na!

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa wish ng aming balik-bayang pamangkin at hipag na makita ng personal si Tom Rodriguez, sinamahan namin sila sa last taping ng Don’t Lose the Money sa studio 7 ng GMA complex. Sa episode na aming nasaksihan ay mga StarStruck alumni ang mga contestant. Matiyagang ginawa nina Rocco Nacino, Mike Tan, Dion Ignacio, Jan Manual, Rich Asuncion, at Ryza Cenon ang ibinigay na challenges ni Tom. Hindi na namin tinapos ang taping dahil may mga appointments pa kaming pupuntahan. Kaya hindi namin alam kung sino ang nanalo.

Sa taping na iyon, kahit huli na ay very energetic pa rin ang host na si Tom kasama si Betong. Hindi mo sila nakitaan ng lungkot o depresyon komo last taping na nila iyon. Bagkus, ang saya-saya ng taping gaya ng dati. Malayo na nga ang narating ni Tom, hindi lang sa drama at pagkanta kundi sa hosting na rin. Naitawid niya ng buong husay ang hosting job na ibinigay sa kanya ng network na bumuhay ng kanyang career.

Matteo pinagsabihan si Sarah na maging open sa kanya

Proud boyfriend si Matteo Guidicelli kay Sarah Ge­ro­nimo. Lalo raw napamahal sa kanya ang dalaga sa pagiging humble nito with all the achievements na nakukuha ng syota niya. Gaya ng involvement ni Sarah sa isang Disney project na nabasa lang daw ni Matteo sa mga pahayagan. Wala raw ikinukuwento si Sarah sa kanya. Pinagsabihan niya ang girlfriend na dapat ay sinasabi sa kanya ang mga ganitong proyekto na proud na proud siya.

Dennis hanggang kaibigan na lang talaga ang tingin kay Jennylyn

Single at masaya si Dennis Trillo sa kasalukuyan dahil mas nabibigyan niya ng atensyon ang kanyang pamilya.

Kahit nagkasama sila ng ex na si Jennylyn Mercado sa isang sports event na pareho nilang kinahuhumalingan ay walang balikang naganap sa dalawa. Aminado si Dennis na may posibilidad daw naman manumbalik ang kanilang pagiging magkaibigan. Sa mga kuwentuhan nila ni Jen ay napag-uusapan din ang mga nangyari sa kanilang relasyon pero sa ngayon ay hindi daw ‘yan ang priority ni Dennis. Mas tutok siya sa anak na si Calix na kailan lang ay nagkaroon ng minor accident ang school bus na sinasak­yan.

Sa ngayon ay abala si Dennis sa promo ng Shake Rattle & Roll XV dahil kasama siya sa Ulam episode bukod sa tuluy-tuloy na taping ng Hiram Na Alaala na nagdo-double time bago mag-Christmas break.                              

DENNIS TRILLO

DION IGNACIO

HIRAM NA ALAALA

JAN MANUAL

JENNYLYN MERCADO

LOSE THE MONEY

MATTEO

MATTEO GUIDICELLI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with