Charice hindi raw naiinggit kay Aiza
MANILA, Philippines - Ikinasal na si Aiza Seguerra sa partner niyang si Liza Diño sa California kamakailan. Pari ang nagkasal sa kanila.
Dedma lang si Charice Pempengco sa event ni Aiza na kahit saang-dako ay pinag-uusapan.
Mukhang malayo at wala pang planong magpakasal o pakasalan ni Charice si Alyssa Quijano na girlfriend niya.
Vina naalala pa rin ang mga ginawa nila ni Robin noon
Sa totoo lang, nang mag-guest si Vina Morales sa isang TV show para makipagsabayan kina Lani Misalucha at Jed Madela, naloka kami. Lalamunin lang siya ng dalawa!
Pero nalampasan naman ni Vina ang kumanta ng isang Lani Misalucha song, Tunay na Mahal at nag-duet pa sila ni Jed ng isang kanta rin ni Lani M., Ang Iibigin ay Ikaw.
Maganda rin ang boses ni Vina, in fairness, hindi nga lang siya mas—yadong napapansin bilang singer dahil mas magaling siyang artista. May movie siya ngayon sa Metro Manila Film Festival (MMFF) katambal si Robin Padilla, ito ang Bonifacio, Ang Unang Pangulo. Alam natin na may nakaraan sila ni Robin na minahal din niya ng lubos noon. Iniyakan niya ang pagbi-break nila noon hanggang sa makilala niya si Cedric Lee at nagka-baby sila na si Ceana.
Inamin ni Vina during shooting nila ni Robin, may kislot at kilig pa rin siyang napi-feel, pero syempre, hanggang doon na lang ‘yun dahil may kanya-kanya na silang buhay sa ngayon. Sa muli nilang pagsasama, trabaho na lang daw ang lahat.
- Latest


















