^

Pang Movies

Dating Couple Matt at Phoebe wagi sa The Amazing Race Philippines

Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang Dating Couple na sina Matthew Edwards at Phoebe Walker ang itinanghal na kampeon sa ikalawang Amazing Race Philippines matapos ang special one-hour finale episode nito (Linggo, ika-7 ng Disyembre). Nanalo ang dating couple ng 2 house and lots mula sa RCD Royale Homes, 2 Kia Sportage SUVs at PhP2 milyong pisong cash prize mula sa PLDT Home Telpad.

At the finish line of the Race’s final leg in Camiguin, race master Derek Ramsay and the eight pre-eliminated teams welcomed the dating couple and congratulated them for winning the race.

Kasama ang walong pre-eliminated teams, sinalubong sina Matt at Phoebe ng race master / host na si Derek Ramsay sa finish line sa Camiguin.

“You raced hard and you raced the fastest. You are the winners of The Amazing Race Philippines - Season 2,” bati ni Derek.

Pangalawang dumating ang team Mr. Pogi na sina John Paul Duray at Kelvin Engles, at natira sa ikatlong pwesto sina Chefs Roch Hernandez at Eji Estillore.

Nang matanong tungkol sa kanilang mga plano matapos ang karera, sinabi ni Phoebe na parte ng kanyang mga napanalunan ay mapupunta sa isang negosyong ipangtutustos niya sa kanyang pamilya. Sa hiwalay na panayam, sinabi naman ni Matt na balak niyang magbakasyon sa England para makasama ang kanyang ama. At dahil nanalo sila ng halos PhP3 milyong pisong cash prize (bahagi nito ay nakuha nila mula sa pagkapanalo ng 4 na pit stop legs), sinabi ni Phoebe na idodonate nila ang bahagi ng kanilang premyo sa isang charity na tutulong sa mga street children na naninirahan sa Payatas.

AMAZING RACE PHILIPPINES

ANG DATING COUPLE

CAMIGUIN

CHEFS ROCH HERNANDEZ

DEREK RAMSAY

EJI ESTILLORE

HOME TELPAD

JOHN PAUL DURAY

KELVIN ENGLES

KIA SPORTAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with