^

Pang Movies

Pokwang may tiyak nang kita sa 2015

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Bisi-bisihan ang beauty ni Pokwang sa pagpasok ng 2015.

Dalawang project agad ang pagkakaabalahan niyang harapin Enero pa lang.

Kasama pa rito ang pagpapalabas sa bansa ng pelikula niyang Edsa Woolworth na produced ng TFC.

Isang romance drama movie ito na una nang napanood sa Europe, Canada, at US. Hindi pa man naipapalabas sa bansa ay proud at happy na si Pokwang dahil sa magagandang review ng movie sa mga nakapanood na sa ibang bansa.

Ka-partner niya rito ang American actor na si Lee Robin Salazar na darating din sa bansa para mag-promote ng movie nila sa January.

Inamin ni Pokwang na bumigay daw siya sa movie at hindi na siya nagpakipot lalo’t sa kissing scenes nila ng foreign actor.

Agad-agad ay natuwa siya sa kissing scene nila ni Lee at hindi raw napigilan ni Pokwang na kiligin at feeling niya ay ang haba-haba ng kanyang hair nang ‘matikman’ siya ni Lee sa kanilang eksena.

Blessed din si Pokwang dahil kasama siya sa palabas na Nathaniel na isa sa mga programang naka-line up ng ABS-CBN next year. Kaya thankful ang ko­medyante dahil sigurado nang pagpasok ng bagong taon ay may trabaho na agad siya.

Kris naniniwala sa suwerte ng kulay green

Consistent si Kris Aquino sa pagsusuot ng damit na color green sa kanyang show sa Aquino and Abunda Tonight gabi-gabi sa ABS-CBN.

Naniniwala si Kris na magdadala ng suwerte ang kulay berde dahil ­emo­­tio­nally positive ang effect nito. Ang green   diumano ay may hatid ding balance at harmony na nagbibigay ng magandang energry at pampa-relax na kulay.

Confident si Kris na magiging positive rin ang resulta ng movie nila ni Coco Martin na Feng Shui 2 na official entry  sa Metro Manila Film Festival.

vuukle comment

AQUINO AND ABUNDA TONIGHT

COCO MARTIN

DALAWANG

EDSA WOOLWORTH

FENG SHUI

KRIS AQUINO

LEE ROBIN SALAZAR

METRO MANILA FILM FESTIVAL

POKWANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with