^

Pang Movies

Gustong mahuli sa aktong kasama ang babae aktor minamanmanan ng private investigator ng kanyang misis!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Paranoid na raw ang dating ng non-showbiz wife ng isang aktor. Kasi naman dumating na sa puntong nagha-hire siya ng private investigator upang subaybayan ang bawat galaw ng asawa.

Nakarating kasi sa asawa na may ibinabahay na ibang babae ang aktor. Nakuha ng asawa ang village na pinamamahayan ng babae ng asawa. So pinaabangan niya sa imbestigador ang dating at alis ng asawa sa village.

Pero mas mautak ang aktor kesa sa asawa. Never siyang sumasabay sa babae niya sa paglabas ng village! Kaya naman ang pobreng imbestigador, walang mai-report kay misis na ebidensiya na ibang babae na ibinibahay ang asawa!

Lingid sa kaalaman ng asawa, hindi sa village na ‘yon nagsasama ang aktor at ang babae niya, huh!

Yummy aktor halatang-halata na sa kulay ng mukha ang kabaklaan!

Sobrang puti ng mukha at distracting ang ayos ng buhok ng isang aktor sa tuwing lumalabas ito sa TV. Lalo tuloy nagdududa ang nakapanood sa kanya tungkol sa pagkalalaki niya, huh!

Kasi naman daw, ni walang babaeng nali-link sa aktor gayung magaganda naman ang mga nakakapareha niya. Kapag natatanong tungkol sa babae, wala siyang konkretong sagot, huh! Maging ang maglam­bing sa kaparehang babae, hindi responsive ang aktor!

Eh, yummy pa naman ang dating ng aktor pero kung ganyan na may bahid pala ang dugo niya eh, sooner or later, uugong na ang tunay niyang sexual preference at matetengga siya pagdating sa trabaho!

Magaling na artista sinibak dahil sa bisyo

Tuluyan nang pinakawalan ng isang istasyon ang isang magaling na artista na suma-sideline bilang writer. Impressive kasi ang galing ng artista hindi lang sa pag-arte kundi maging sa mga konsepto nito.

Pero may bisyo ang artista to the point na napababayaan niya ang trabaho. Ilang beses nang pinagsabihan ang artista at kapag nasasabon ay tumitino! ‘Yun nga lang, kapag nawawala na naman sa huwisyo ay nagiging pasaway at napababayaan ang trabaho!

Eh, dumating na sa sukdulan ang galit ng boss niya sa writer-actor! Hindi na kinaya ng boss ang pagsisinungaling at iba pang dahilan, kaya naman sinibak na siya nang tuluyan bilang writer at maging ang pagkakaroon ng assignments ay dinalangan na!

Inabot ng kamalasan, aktor may balat sa puwet?!

Tuluyan na yatang mawawala ang oportunidad ng isang aktor na makapagtrabaho sa isang film outfit. Pinangarap din ng kumpanya ang aktor para sa isang movie. May offer sana noon, pero may mga nakialam sa project kaya naglahong parang bula ang interest ng outfit.

Eh, may dumating na bagong chance sa aktor. ‘Yun nga lang, may kasosyo ang nasabing film outfit. Plantsado na ang project at naayos na ang schedules niya pati na ibang artista.

But something happened along the way, biglang nagkaroon ng problema. So natengga muna ang proyekto hanggang hindi nagkakasundo ang ilang panig sa mga bagay na may kinalaman sa pelikula, huh!

Hmmm, parang may Jolastimosa (malas) ang aktor, huh!

vuukle comment

AKTOR

ASAWA

BABAE

ISANG

KASI

NAMAN

NIYA

PERO

TULUYAN

YUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with