^

Pang Movies

Erich hinog na ang pagiging aktres

TSUPPATID - Letty Geli - Pang-masa

Bow ako kay Kaye Abad sa pagganap niya as legal wife ni Jason Abalos sa Two Wives, isang nightly show ng ABS-CBN na talaga namang hindi maaring ‘di panoorin. Hindi magkandamayaw na makauwi ang mga tao para lang hindi ma-miss ang bawat episode ng pinakatinututukang serye ng Kapamilya Network. The other wife naman ang role ni Erich Gonzales. Grabe rin ang aktres na ito na kung dati ay super lamya at walang latoy kung umarte’t magsalita,  magaling na siya sa pakikipagtarayan kay Kaye.

Jose at Eugene maraming pinakikilig

Hindi kaya totohanan na ang ginagawa nina Jose Manalo at Eugene Domingo sa kanilang Saturday game show ng GMA-7 na Celebrity Bluff? Nakabibilib sina Jose at Eugene, akala mo tunay na magkarelasyon. Ang dami ngang kinikilig sa kanilang dalawa eh!

Marian at Dingdong inuulan ng suwerte dahil sa kabaitan

Sa lahat ng mga ikakasal, mapa-showbiz man o hindi, si Marian Rivera na ang masasabing may pinakamaraming bridal shower na natanggap. Bongga rin siya at maging sa abroad ay may bridal shower ang Royal Queen. Take note dahil hindi maa-afford ito ng kung sinu-sino lang, kailangan marami kang datung para maisagawa ang mga ito.

Pero iba rin si Marian, dahil maraming nagmamahal sa kanya at nagbibigay ng kabi-kabilang bridal shower. Iba na kasi kung sikat ka, mabait na kaibigan, at hindi maramot sa fans. Hindi ka talaga malilimutan ng mga taong nasa paligid mo. Pati si Dingdong Dantes ay napakabuti rin dahil sa kanyang adbokasya para sa mga bata. Mabuhay kayo Marian at Dingdong!

Young actor na makalaglag-panty ang kaguwapuhan grabe kung makadahak

Grabe naman ang young actor na ito na makalaglag-panty ang kaguwapuhan lalo na sa mga ba­ding at matrona. Kung maka-dahak kasi eh akala mo may plemang kasama. Naging habit na siguro ito ng bagets dahil sunud-sunod niya itong ginagawa. Naku, swabe lang hijo!

Bagyong nananalasa sa bansa ipagdasal natin kay Mama Mary

Feast Day of Beloved Mama Mary, The Most Immaculate Conception ngayon, December 8, let us pray and proclaim her name. Tayo’y magdasal na mabigo ang bagyong Ruby na another super typhoon umano sa pananalasa nang bongga as ating bansa.

vuukle comment

CELEBRITY BLUFF

DINGDONG DANTES

ERICH GONZALES

EUGENE DOMINGO

FEAST DAY OF BELOVED MAMA MARY

GRABE

JOSE MANALO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with