^

Pang Movies

Pang-Masa sumasabay sa uso!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Happy anniversary sa PM (Pang-Masa)! Eleven years ago nang magsimula ang column ko rito sa PM at hindi ako makapaniwala na mahigit sa isang dekada na ang aking first ever column sa Star Group of Publications.

Ang madagdagan pa ang readers at lalong lumakas ang sirkulasyon ang mga anniversary wish ko para sa tabloid na nagbukas ng pinto para magkaroon din ako ng column sa PSN (Pilipino Star NGAYON).

Maraming salamat kay Papa Miguel Belmonte dahil siya ang may idea na bigyan ako ng column sa PM and the rest is history.

Ka-level na ng PM ang PSN at ang Philippine Star dahil may online edition na rin ang tabloid ng Star Group of Companies. Hindi na rin kumpleto ang araw ng worldwide readers ng PM kapag hindi nila nababasa ang kanilang favorite tabloid.

Maraming salamat sa lahat ng mga tumatangkilik at hindi nagsasawa sa pagbabasa ng PM. Happy 11th anniversary sa ating lahat!!

FPJ nakatatak pa rin sa masa

Sa December 14 ang 10th death anniversary ni Fernando Poe, Jr. (FPJ) at bilang paggunita sa kanyang pagpanaw noong 2004, ipinalabas kahapon sa mga SM Cinema ang HD version ng Ang Panday.

Naabutan ni Kuya Ron ang PM dahil one year na ito nang sumakabilang-buhay siya dahil sa stroke.

Hinding-hindi ko malilimutan na headline noon ng PM ang balita tungkol sa pagpanaw ng King of Philippine Movies.

Kahit sampung taon nang namamayapa si Kuya Ron, ramdam na ramdam pa rin ng movie industry ang kanyang pagkawala. Hinding-hindi na mabubura sa history ng pelikulang Pilipino ang pangalan niya.

Mga baklita at tomboyita mahal na mahal si VM Joy

Rain or shine, walang makapipigil sa Quezon City International Pink Film Festival na magaganap sa TriNoma Mall mula December 9 hanggang December 16.

Kasama ang mga baklita sa maraming nagdarasal na humina ang Typhoon Ruby aka Typhoon Hagupit para hindi magkaroon ng aber­ya sa filmfest na pinaghandaan at hinintay nila nang matagal.

Sa report ng PAGASA, daraan sa Metro Manila ang Typhoon Ruby sa December 9, ang opening day ng QC International Pink Film Festival kaya kinakalampag ng LGBT community ang langit na magkaroon ng himala, hindi lamang dahil sa gay filmfest kundi para hindi na magdusa ang ating mga kawawang kababayan na maaapektuhan ng pasaway na kalamidad.

Suportado ng Quezon City government ang International Pink Film Festival. Dumalo noon sa grand launch ng filmfest si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na malaki ang bilib sa LGBT dahil sa mga kontribusyon nila sa lipunan.

Ikinatuwa ng mga baklita at tomboy ang plano ni Mama Joy na ipagpatayo ng mga comfort room ang mga third sex para hindi na sila makaranas ng mga discrimination.

Mahal na mahal ng LGBT community si Mama Joy dahil sa pagmamahal at pagpapahalaga na ibinibigay nito sa mga bakla at tomboy.

Dapat abangan sa QIPFF gay movie ni Angel mapapanood na uli

Kabilang ang Unfriend, Ang Huling ChaCha ni Anita, Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa sa mga Pinoy gay-themed movie na highly-recommended na panoorin sa QC International Pink Film Festival.

Marami ang hindi nakapanood sa Ang Huling Cha Cha ni Anita nang ipalabas ito noon sa mga sinehan. Ipalalabas sa QIPFF ang pelikula na pinagbibidahan ni Angel Aquino kaya pagkakataon na ito ng mga gustong mapanood ang critically-acclaimed movie na tungkol sa tomboyitang bata na na-in love sa isang babae ang kuwento.

Kasal nina Dingdong at Marian muntik sirain ni ‘Ruby’

Ang CNN ang pinananood ko para sa mga update tungkol kay Typhoon Hagupit (Ruby) at ikinaloka ko ang kanilang balita na magiging “direct hit” ng bagyo ang Metro Manila sa Martes.

Linggo pa lang ngayon kaya may dalawang araw pa para magdasal tayo nang taimtim. Tanging ang Diyos ang makakagawa ng paraan na humina ang bagyong Hagupit at hindi na ito makapaghasik ng lupit sa ating bansa. If God is for us, who can be against us?

Ngayon ang Feast of the Immaculate Conception at isa sa mga prayer request ko na humina at tuluyan nang malusaw ang Typhoon Hagupit.

Mabuti na lang, hindi natuloy ang original plan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na idaos ang kasal nila ngayon December 8 dahil ito nga ang Feast of the Immaculate Conception. From December 8, inilipat sa December 30 ang araw ng pag-iisang dibdib ng dalawa.

Kung hindi nagkaroon ng pagbabago sa petsa sa araw ng  kasal nina Dingdong at Marian, posibleng maapektuhan  ito ng Typhoon Hagupit.

DAHIL

FEAST OF THE IMMACULATE CONCEPTION

INTERNATIONAL PINK FILM FESTIVAL

KUYA RON

MAMA JOY

METRO MANILA

TYPHOON HAGUPIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with