^

Pang Movies

Season 2 ng It Takes Gutz… hindi pa sigurado sa TV5

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Sa December 7 na pala ang season finale ng It Takes Gutz to be a Gutierrez, ang reality show ng Gutierrez family na napapanood sa E! channel.

Dahil matatapos na ang It Takes Gutz.., may mga nagtatanong kung mapapanood din ito sa TV5 tulad ng nangyari sa Season 1.

Hindi ko pa alam ang tumpak na kasagutan dahil walang announcement sa Christmas party for the entertainment press ng TV5 noong Miyerkules.

Invited ako sa Christmas party ng TV5 pero hindi ako nakarating dahil may jetlag pa ako mula sa aking week-long trip sa Paris, France.

Maraming salamat kay Judy Magdame ng Corporate PR ng Kapatid Network dahil nakara­ting sa akin ang gift mula sa TV5.

Ang Kapatid Network ang kauna-unahang TV network na nagbigay ng Christmas party para sa entertainment ­writers ngayong 2014. Ang sey ng source ko, nag-enjoy ang lahat dahil sa mga pagkain na inihanda ng Hizon’s, ang favorite restaurant ni Mang Dolphy.

Nakisaya sa mga entertainment writers ang mga Kapatid star sa pa­ngunguna ni Ogie Alcasid. Hinanap ng mga reporter ang ibang Kapatid stars tulad nina Derek Ramsay, Robin Padilla, Mariel Rodriguez, Alice Dixson, Jasmine Curtis Smith, etc. pero no-show sila. Na-miss din ng mga reporter ang mga big bossing ng network dahil isang VTR Christmas greeting mula kay TV5 President Noel Lorenzana ang ipinapanood sa kanila.

Kuya Germs ‘nakialam’ sa venue ng Despedida de Soltera ni Marian

Happiest girl on earth si Marian Rivera noong Wednesday night dahil dumating ang lahat ng mga mahal niya sa buhay sa kanyang Despedida de Soltera sa Sampaguita Gardens.

Si Kuya Germs ang narinig ko na nagsabi kay Marian na gusto ni Manay Ichu Maceda na maging parte ng kanyang kasal ang Sampaguita Gardens at nangyari ito nang makipag-lunch sa amin sina Dingdong at Marian sa isang restaurant sa The Fort.

Natupad naman ang wish ni Manay Ichu dahil ginanap sa lugar nila noong Miyerkules ang Despedida De Soltera para kay Marian.

Malamang na si Kuya Germs ang nag-arrange para ang Sampaguita Gardens ang maging venue ng mahalagang gabi sa buhay ni Marian.

Well-attended ang Despedida De Soltera dahil sumipot ang lahat ng invited guests ni Ma­rian, kabilang ang buong pamilya ni Dingdong.

Sunud-sunod ang mga bridal shower para kay Marian at pinakahuli ang bridal shower na regalo sa kanya ni Dra. Vicki Belo.

Pagkatapos ng Belo Bridal Shower, magpapahinga na si Marian as in piling-pili na ang kanyang mga showbiz commitment dahil kailangan na niya ng beauty rest.

Imbitasyon sa kasalang Dong-Yan kulay pula

Nagsimula na ang pamumudmod ng mga imbitas­yon para sa kasal nina Dingdong Dantes at Ma­rian.

Hindi nakatiis ang ibang mga artista na i-post ang picture ng wedding invites na kulay pula.

In fairness, hindi na nila ipinakita ang mga impormasyon na nakalagay sa imbitasyon dahil hindi na kailangan. Alam na ng buong Pilipinas na ikakasal ang dalawa sa Immaculate Conception Cathedral sa December 30.

vuukle comment

ALICE DIXSON

ANG KAPATID NETWORK

DAHIL

DESPEDIDA DE SOLTERA

IT TAKES GUTZ

KUYA GERMS

MARIAN

SAMPAGUITA GARDENS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with