^

Pang Movies

Sandara Park tigang sa lalaki, inggit sa ikinasal na kaibigan

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tinupad ni Sandara Park na magi­ging present sa kasal ng kaibigang si Jorross Gamboa dahil present ang K-Pop star sa kasalan na aming nakita sa social media sa matagal na nitong girlfriend na si Katzz.

Bago pa man gumawa ng pangalan sa Korea at sa buong mundo, magkaibigan na sina Jorross at Sandara nang nagmarka ang pangalan niya sa local showbiz bilang Krung-Krung, huh! Hindi sila nawalan ng komunikasyon kahit hindi na rito sa bansa based si Sandara.

Inggit siyempre si Sandara sa pagpapakasal ng kaibigan. Siya kasi, kahit sikat ay tigang naman sa lalaki, huh! Kaya nga ini­rereto ni Jorross si Sandara sa Thai superstar na si Mario Maurer, huh!

‘Yun nga lang, hindi magtagpu-tagpo sina Sandy at Mario dahil sa magkasalungat na schedules.

Robin nakisalo sa mga katipunero

Sumama sa selebrasyon ng Andres Bonifacio Day si Robin Padilla kahapon. Sa harap ng monument ni Bonifacio sa Balintawak, Monumento siya nakuhanan na nagsasalita tungkol sa kanyang idolo.

The night before Bonifacio Day naman, naki­salu-salo siya sa tinatawag niyang Katipunero at Ka­tipunero sa gilid ng dagat ng Roxas Blvd. Ito rin  ang simple niyang paraan ng selebrasyon ng kaarawan.

Eh, nang i-post sa social media ang picture nina Robin at pamangkin na si Daniel Padilla, grabe ang feedback sa social media lalo na’t itinuring niyang #HappyRobinPadillaDay kahapon, huh!

Siyempre pa, si Bonifacio ang malaking dahilan upang isa­­­pelikula ang filmfest entry niyang Bonifacio, Ang Unang Pangulo dahil sa paniniwala niyang siya (Bonifacio) ang tunay na unang pangulo ng bansa.

Mas lulundag sa tuwa si Ro­bin kapag naaprubahan na ang batas na nagdideklara na isang pambansang bayani ng bansa si Bonifacio, huh!

Malaking boobs ni Andrea itinago, mas inilabas ang matambok na puwet

Hanep din ang posing ni Andrea Torres sa De­cember issue ng FHM, huh! Finally, napapayag na siyang mag-pose ng super sexy sa mag matapos magpatumpik-tumpik, huh!

Mas na-focus nga lang sa matambok na puwet ni Andrea ang posing niya. Sayang at nakatago ng konti ang malaki niyang boobs eh ‘yun pa naman ang mas matinding atraksyon sa bida ng Ang Lihim ni Annasandra, huh!

Ang caption nga sa cover ay, “Andrea Torres can go really wild!”

Hayan, hindi na lang si Sef Cadayona ang mag­papantasya kay Andrea kundi ang buong lahi ni Adan at pati na ‘yung mga Eba na may pusong Adan, huh

vuukle comment

ADAN

ANDREA

ANDREA TORRES

ANDRES BONIFACIO DAY

ANG LIHIM

BONIFACIO

HUH

SANDARA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with