^

Pang Movies

Suzy hanga sa pagiging single mom ni Camille

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Parang hindi makapaniwala sina Camille Prats at Suzy Entrata na almost three years na silang nagho-host ng lifestyle show na Mars sa GMA News TV, na napapanood Mondays to Fridays, alas-7:00 n.g. Kahit magkaiba ang linya nila, si Camille - more on acting at ilang drama series na ang nagawa niya, since nagsimula siyang child star noon; at si Suzy - sa GMA News & Public Affairs, hosting the morning show Unang Hirit eh nag-click pa rin ang tandem nila. Very sporty rin si Suzi, hindi nga lamang siya masabayan ni Camille dahil may ginagawa itong bagong soap sa GMA-7, ang Second Chances, but if she will have a free time, gusto rin niyang subukang sumali sa triathlon.

Ano ang natutunan nila sa isa’t isa? Dahil daw kay Camille, medyo natuto nang umarte si Suzy at lumalim din ang knowledge niya sa Tagalog. Dati raw kasi, marami siyang hindi maintindihang Tagalog words at madalas si Camille ang nagpapaliwanag nito sa kanya. Updated din siya sa showbiz news from Camille. Si Camille naman, lumawak daw ang vocabulary niya dahil kay Suzy.

Humanga rin si Suzy sa devotion ni Camille, as a single parent sa anak nitong si Nathan who is turning seven years old na. Halos of the same age sina Nathan at mga anak ni Suzy with husband Paolo Abrera, sina Leona (11), Jade (10), at Nela (8).

Amy walang balak sundan ng babae ang tatlong lalaking anak

Legal wife na raw siya ngayon, natatawang wika ni Amy Perez nang i-launch siya as the brand ambassador ng Strike Multi-Insect Killer from ATC Health Care. Subok daw niya ang produkto para sa safety ng tatlo niyang boys, lalo na kung naglalaro sila. Very affordable raw ang presyo ng Strike at leading ito sa mga existing brands sa market.

Mas happy ang married life ngayon ni Amy dahil napakabuting asawa ni Carlo Castillo, radioman ng TV5. Si Carlo ang personal na tumutok sa pag-aasikaso ng annulment case niya, nang halos sumuko na siya dahil ang tagal-tagal na nitong naka-file pero hindi nagkakaroon ng resulta. Eight years na silang nagsasama ni Carlo nang finally ay natanggap nila ang annulment ng kasal niya sa former husband niya last January 5, 2013. At last month, legally married na sila ni Carlo sa Antipolo City. Kaya ngayon naman, ang aasikasuhin ni Carlo ay ang pag-a-adopt niya sa eldest son ni Amy, si Adi, para gamitin na nito ang surname niyang Castillo.

Biniro tuloy si Amy kung ayaw ba nilang sundan ang youngest son nilang si Isaiah ng baby girl? Nirerespeto raw niya ang magiging desisyon ni Carlo kung gusto nito na magkaroon sila ng isang baby girl. Pero kung siya raw ang aayaw na magkaroon pa sila ng baby girl, payag din si Carlo.

vuukle comment

AMY PEREZ

ANTIPOLO CITY

CAMILLE

CARLO

CARLO CASTILLO

HEALTH CARE

NATHAN

NIYA

PAOLO ABRERA

SUZY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with